^

PSN Palaro

Roach tahimik lang sa banat ni Fortune

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Roach tahimik lang sa banat ni Fortune
Freddie Roach
STAR / File

MANILA, Philippines — Walang balak si Freddie Roach na makipagsagutan sa mga patutsada ni strength and conditioning expert Justine Fortune.

Sa halip, mas gugustuhin ni Roach na manahimik na lamang para hindi na lumala pa ang iringan sa loob ng coaching staff ni People’s Champion Manny Pacquiao.

Hindi na pinatulan pa ni Roach ang mga pahayag ni Fortune sa umano’y paninisi at turuan sa dahilan ng pagkatalo ni Pacquiao sa kanyang huling laban.

Matatandang lumasap si Pacquiao ng unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ngunit ilang araw matapos ang laban, nagsulputan ang bali-balitang may alitan sa loob ng Team Pacquiao.

Mas lalong nakumpirma ang isyu nang maglabas ng saloobin si Fortune kung saan sinisisi umano siya ni Roach sa dahilan ng pagkatalo ni Pacquiao.

Sa halip na makipagsagutan, nagpasya si Roach na manahimik na lamang.

Hihintayin lamang nito ang magiging hakbang ni Pacquiao sa isyu.

Nauna nang inihayag ni Pacquiao na ayaw nitong may mawala sa kanyang coaching staff kaya’t handa itong mamagitan sa sinumang may alitan.

Nais ni Pacquiao na tapusin ang kanyang bo­xing career na buo ang kanyang team sakaling matuloy ang huling laban nito sa Enero.

Pinaplano na ang rematch ng Pacquiao-Ugas fight subalit wala pang pinal na desisyon ang Pinoy champion.

vuukle comment

FREDDIE ROACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with