^

PSN Palaro

Valdez, Lazaro papalo sa Ateneo Selection sa SVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy ang paglalaro ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez sa 12th Shakey’s V-League Open Conference women’s volleyball tournament na nakatakdang magsimula sa Mayo 28 sa The Arena sa San Juan City.

Kabilang si Valdez sa binubuong Ateneo Selection kasama ang mga dating manlalaro ng Lady Eagles gaya ni libero Denden Lazaro at dating Ateneo team captain Charo Soriano.

Isang grupo ang nagpasyang bumuo ng Ateneo Selection matapos magdesisyon ang pamunuan ng unibersidad na lumiban sa Open Conference ng liga.

Wala pang opisyal na lineup ang Ateneo Selection subalit inaasahang kasama sa grupo ang mga dating mahuhusay na manlalaro ng Lady Eagles gaya nina Jem Ferrer, Dzi Gervacio, Bea Tan at Gretchen Ho na posibleng mapasama sa koponan.

Sina Valdez at Lazaro ay bahagi ng Lady Eagles na nasungkit ang back-to-back titles sa UAAP.

Naging bahagi rin si Valdez ng PLDT Home Ultera na nagkampeon sa Open Conference at Reinforced Conference noong nakaraang taon kung saan nakuha nito ang Season MVP at Finals MVP awards.

Walong koponan lamang ang maglalaro sa Open Conference kabilang ang National University na babanderahan ni Jaja Santiago gayundin ang UAAP semifina­list University of the Philippines, Kia at Iriga City.

Makakaliskisan din ang bagong koponan na Pocari Sweat na gagabayan ni Thai mentor Anosorn ‘Tai’ Bundit. Ang Pocari Sweat ay ang dating Philips Gold na naglaro sa Philippine Superliga.

vuukle comment

PRESIDENT RODRIGO “RODY” DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with