Beda, EAC giyera sa huling Finals slot
MANILA, Philippines — Bawal ng kumurap ang defending champion San Beda University at Emilio Aguinaldo sa pagharap nila sa do-or-die Game 3 ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament semifinals na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.
Tabla ang serye sa 1-1, maghaharap ang Red Lions at Generals kung saan ang mananalo ay sasampa sa finals para kalabanin ang nag-aabang na Jose Rizal University Heavy Bombers.
Nakahirit ng rubber match ang EAC matapos ang 75-64 upset win sa Game 2 noong Huwebes ng gabi na ginanap sa MOA, sinandalan nila ang matikas na laro ni MJ Raymundo na nagtala ng 20 points, walong rebounds tatlong assists.
“Para sa’kin, ayaw namin matalo. Gusto namin magpractice pa. Patay na kung patay sa loob ng court,” ani Raymundo. “Kumakalma muna kami, narattle kami dati kasi umaarangkada sila pero kumalma kami. Nag-stick kami sa opensla namin and made the right decisions.”
Inaasahang kakapit pa rin ang Generals sa opensa ni Raymundo, makakatuwang niya sina Jude Bagay, Joseph Nunag at Wilmar Oftana para ipantapat muli sa kamador ng Red Lions.
“As I’ve mentioned before, we dreamed big; now we dream bigger. We’re gonna play with nothing to lose and play our hardest in Game 3,” pahayag ni EAC head coach Jerson Cabiltes.
Mananatling si Aldous Torculas ang magiging pangunahing armas sa opensa para sa San Beda, makakasama nito sina Bismarck Lina , RC Calimag at Jimmy Reyes.
- Latest



















