^

PSN Palaro

Simula na ang aksyon sa quarterfinals Bolts pahihigpitin pa ang kapit sa itaas vs Aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Simula na ng karera para sa top two seat sa eight-team quarterfinals cast ng 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Hangad na mapanati­ling hawak ang liderato, sasagupain ng Meralco ang Alaska ngayong alas-7 ng gabi, samantalang target ng nagdedepensang Purefoods ang kanilang pangatlong sunod na tagumpay sa pagharap sa Barako Bull sa alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mga koponang sisikwat sa top two berths ang makakakuha ng ‘twice-to-beat’ incentive laban sa uupo sa No. 8 at No. 7 teams, ayon sa pagkakasunod, sa quarter­finals.

Kaya naman masa­yang-masaya si Bolts’ head coach Norman Black nang mawakasan ang kanilang two-game losing skid mula sa 98-85 paggiba sa Ener­gy noong nakaraang Miyerkules.

Sa naturang panalo ay humakot si import Josh Davis ng 32 points at 19 rebounds para makabalik mula sa hip injury na kanyang nalasap sa kabiguan ng Meralco sa San Miguel sa isang out-of-town game.

“It’s nice to have Josh Davis back and 100-percent. His activity and ener­gy made difference for this game,” sabi ni Black kay Davis.

Hangad naman ng Aces ni mentor Alex Compton na maduplika ang kanilang 82-68 paggupo sa Blackwater Elite noong nakaraang Miyerkules para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinals.

“It’s a step at the right direction. But we’re far from the top,” wika ni Compton sa kanyang Alaska na itatapat si import Damion James kay Davis.

Sa unang laro ay pupuntiryahin ng Hotshots ang kanilang ikatlong dikit na panalo laban sa Energy matapos takasan ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa triple overtime, 118-117, noong Sabado sa Davao City.

vuukle comment

ALEX COMPTON

BARAKO BULL

BLACKWATER ELITE

DAMION JAMES

DAVAO CITY

HANGAD

JOSH DAVIS

MERALCO

MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with