^

PSN Palaro

Nangangamoy sweep sa CSB

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinapitan ng College of Saint Benilde Lady Blazers si Michelle Gamit upang pagulungin ang University of Perpetual Help System DALTA, 25-14, 25-18, 25-7 para lumapit sa elimination round sweep sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa Filoil EcoOil Centre, kahapon ng umaga.

Tumikada si Gamit ng 13 points para tulungan ang three-peat seeiking Lady Blazers na ilista ang malinis na walong panalo at manatiling nasa tuktok ng team standings.

Walang kahirap-hirap na nasilo ng Taft-based squad ang panalo sa Lady Altas kung saan umabot lang sa 65 minuto ang na­ging bakbakan.

Nalasap naman ng Lady Altas ang pangalawang sunod na kabiguan, tangan nila ang 4-4 karta at nasa pang-anim na puwesto.

Nakatulong ni Gamit sa opensa sina Zam Nolasco at Jessa Dorog na may 11 at 10 markers ayon sa pagkakasunod, nilista rin ng huli ang walong digs at walong receptions.

Nanguna sa puntusan para sa Perpetual Help si Mary Rhose Dapol na nagtala ng siyam na puntos, pito ang inambag ni Krisha Cordero habang apat ang kinana ni Cyrille Joie Almeniana.

Nais ng Lady Bla­zers na sikwatin ang automatikong pagsampa sa championship round sa pagharap nila sa Lyceum of the Philippines Lady Pirates sa Linggo habang katapat ng Perpetual ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with