^

PSN Palaro

Alaskado

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Abot tenga ang ngiti ni Alaska team owner Fred  Steven Uytengsu  matapos kunin ng Aces ang PBA Commissioner’s Cup  title nung Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Sanay na si Uytengsu sa panalo sa PBA dahil isa na siya sa pinaka-successful na team owners sa liga. May 14 na title na ang Alaska sa mahigit na dalawang dekada sa PBA.

Sa bawat panalo ay nandun si Uytengsu at ang kanyang pamilya.

Nangunguna pa din naman ang San Miguel fran­chise na may 19 na titulo at sunod na ngayon ang Alaska. Nasa pangatlo ang Crispa na may 13.

Pero disbanded na ang Crispa kaya imposible nang madagdagan ito. Ang Alaska naman, sa tingin ko, ay malayo pa ang patutunguhan.

Naipanalo ng Alaska ang titulo sa pamamagitan ng isang sweep laban sa crowd favorite na Ginebra at sa pangunguna ng bagong coach na si Luigi Trillo.

Bugbog sarado ang Ginebra. Kung baga sa boksing, ni hindi tumama.

Sinisiguro ko na hindi ito ang magiging una’t hu­ling PBA title ng Alaska at si Trillo.

Magandang timpla kasi ang hawak ni Luigi ngayon at may team siya na maraming pahihirapan sa mga susunod pa na con­ference.

Mula sa players na pi­nangungunahan nina Cal­vin Abueva at Jayvee Casio hanggang sa assistant coaches na sila Louie Alas, Topex Robinson at Alex Compton.

Eh kahit siguro mag-absent si Luigi ay kayang sumalisi ng kanyang mga assistants. Halos na-master na din nila ang pamosong triangle offense ng Chicago Bulls nung araw.

Masaya din si da­ting Alaska coach Tim Cone para sa Aces na matagal niyang hina­wa­kan bago siya lumipat sa San Mig Coffee.

At tiyak na masaya si Tim para kay Luigi na dati rin niyang assistant.

Panahon na ni Luigi at maganda ang kanyang hinaharap.

Sumakay ka pa!

vuukle comment

ALASKA

ALEX COMPTON

ANG ALASKA

CHICAGO BULLS

CRISPA

GINEBRA

JAYVEE CASIO

LUIGI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with