^

PSN Palaro

Haaaay, hindi pa tapos ang problema

SPORTS - Dina Marie Villena -
Haay, naku sinasabi ko na nga ba. Hindi matatapos ang problema sa basketball hangga’t may mga taong hindi nakakaintindi at may iisang interes lamang.

Akala ng marami okay na ang lahat nang itatag ang bagong Samahang Basketbol ng Pilipinas kung saan iniluklok ng marami ang businessman tycoon na si Manny Pangilinan makaraang pamahalaan ang 3-man panel na bumubuo ng bagong consitution and by-laws ng basketball.

Kung tutuusin umiwas na si MVP at inayawan ang unang alok na maging pangulo ng SBP pero dahil sa kahilingan ng marami ay napapayag din siya.

Noong hindi pa ito tinatanggap ni MVP, walang ibang matunog na pangalan na lumilitaw para mamuno sa samahanan.

Mas ginusto ni MVP noon na tapusin na lamang ang obligasyon bilang head ng 3-man panel para lamang maayos na ang lahat sa basketball.

Dahil sa pagmamahal sa sports ni MVP kaya ito napapayag na umupong pangulo ng SBP.

Pero heto naman ngayon at may nag-ooppose sa kanya at maging mismo sa samahang itinatag.

Ano ba ‘yan!

Ganito ba ang pagmamahal nila sa basketball?

Naayos na nga ginugulo na naman.

Maraming nag-eemail at naghahayag ng kanilang kuro-kuro tungkol dito. Marami din ang nagsasabing baka may bested interest ang mga taong nais manggulo sa samahang itinatag?

Ewan ko lang kung ano ang motibo ng mga taong ito, pero iisa lang ang naiisip ko at ng marami, ginagamit nila ito para sa kanilang sariling intensiyon!

Kapag pinasukan ng personal o politikal na intensiyon, walang kalalagayan na mabuti ang usaping ito.

Mabuti pa kaya hayaan na lang na habambuhay ng suspindido ang basketball sa FIBA.

Kawawa din naman ang mga taong nais tumulong sa ikabubuti tulad ni MVP.

Nasasayang ang lahat ng pagsisikap dahil sa pagkagahaman ng iba.

vuukle comment

ANO

DAHIL

EWAN

GANITO

HAAY

KAPAG

KAWAWA

MANNY PANGILINAN

MARAMI

SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with