^

PSN Palaro

Naka-9 na ang La Salle

-
Sa pinagsamang lakas at solidong net defense, hiniya ng De La Salle ang Lyceum, 25-14, 25-16, 25-20, kahapon upang palawigin ang kanilang pananalasa sa siyam na sunod na panalo sa V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s Pizza sa Blue Eagle gym.

Pinatunayan ng Lady Archers ang kanilang tikas sa kaagahan ng laro ng agad na kunin ang dalawang sets sa isang lopsided na panalo, bago nagawang bumangon ng Lady Pirates sa third set ng magbigay ng mabigat na laban, ngunit nanatiling matatag ang depensa ng Taft-based spikers at tuluyang isara ang laban upang kumpletuhin ang straight-set na panalo.

Binanderahan nina skipper Desiree Hernandez at Thai import Jindarat Kinchana ang atakle ng kumana ng tig-13 hits, habang nagdagdag naman si Michelle Datuin ng 12 at ilapit ang Lady Archers sa pagtapak sa ikaapat na finals appearance sa torneo na ipiniprisinta ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Naging mainit ang panimula ng La Salle laban sa Lyceum, kumpara sa nakaraang pakikipaghamok sa San Sebastian noong nakaraang linggo ng ang Taft-based netters ay yumukod sa unang dalawang sets, bago nila na-sweep ang sumunod na tatlong laro, 21-25, 23-25, 25-9, 25-21, 15-5.

Pinangunahan naman ni Con Con Legaspi, na tumulong sa La Salle sa kanilang pagsikwat ng korona noong nakaraang taon ang lahat ng hitters sa pagpuntos ng 14, na karamihan nito ay mula sa third set ng mabigong ibangon ang Lady Pirates para hatakin ang extra set.

Sa ikalawang laro, lumapit ang San Sebastian College sa kanilang kampanya sa finals nang gulantangin nila ang Adamson University, 25-19, 25-27, 27-25, 25-18.

Ito ang ikalawang panalo ng Lady Stags sa semis na naglapit sa kanilang biktima na lumasap naman ng ikatlong kabiguan sa torneong suportado rin ng ng Accel, Mikasa, ABC-5 at ABC Sports.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

BLUE EAGLE

CON CON LEGASPI

DE LA SALLE

DESIREE HERNANDEZ

JINDARAT KINCHANA

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY PIRATES

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with