^

PSN Palaro

Ginebra susubukan ang binalasang Talk N Text

-
Isasalang ngayon ang defending champion Barangay Ginebra ng Gran Matador PBA Philippine Cup laban sa Talk N Text, ang kopo-nang gumawa ng mala-king pagbalasa sa kani-lang line-up matapos ang nakakadismayang fifth place finish sa nakaraang kumperensiya.

Alas-7:35 ng gabi ang sagupaan ng Gin Kings at ng Phone Pals sa ikala-wang game-day ng all-Pinoy conference na ito na muling gaganapin sa Araneta Coliseum pagka-tapos ng sagupaan ng Sta. Lucia Realty at Purefoods Chunkee sa pambungad na laban sa alas-4:40 ng hapon.

Mabigat ang hamon para sa nagtatanggol ng koronang Gin Kings ni coach Siot Tanquingcen dahil hindi na maaasahan sa buong season ang back up center na si Andy Seigle dahil sa injury kaya’t malaking responsi-bilidad ang nakaatang kina Eric Menk, Mark Caguioa, Rommel Addu-cul, Rodney Santos, Jayjay Helterbrand  kasa-ma si Mark Macapagal na malaki ang naging im-provement sa kanilang kampanya sa nakaraang kumperensiya.

Nagbago naman ng anyo ang Talk N Text sa pagkuha ng bagong coach na si Derrick Puma-ren kapalit ni Joel Banal at nakipag-trade para makuha sina Vergel Meneses na magbibigay ng karanasan sa kopo-nan, Poch Juinio na ma-kakaalalay kay Paul Asi Taulava at John Ferriols na magpapalakas naman ng kanilang front-line.

Kinuha rin ng Talk N Text si Chris Cantonjos mula sa free agent mar-ket.

Sa unang laro, sisi-mulan naman ng Pure-foods ang kanilang kam-panyang makabawi sa kanilang pagkaunsiyami sa nakaraang San Mig Coffee-PBA Fiesta Confe-rence laban sa nagkam-peong Red Bull.

Hangad din ng Sta. Lucia na makabawi sa kanilang maagang exit noong nakaraang kumpe-rensiya dahil sa injuries. (CVOchoa)

vuukle comment

ANDY SEIGLE

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CHRIS CANTONJOS

DERRICK PUMA

ERIC MENK

FIESTA CONFE

GIN KINGS

GRAN MATADOR

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with