^

PSN Palaro

Ex-gf na buntis di maghahabol

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Maligayang-maligaya si Kris Aquino, dahil ayon sa kanya, natagpuan na niya ang lalaki para sa kanya. At ito nga ay si James Yap ng Purefoods. Gayunpaman, pinasinungalingan nitong lihim na itong nagpakasal kay James. Gayunpaman, inamin naman din niya na may plano na silang magpakasal ni James.

Marami ang nagsasabing sa edad ni Kris na 34 masyadong malaki ang pagitan nila ni James na 23 anyos pa lamang.

Pero ika nga ng marami, ‘age doesn’t matter’ kapag in love ang isang tao.

Ako mismo ay ayaw maniwala nang una itong napabalita. Pero nang aminin ito ni Kris sa kanyang programa, o well, quiet na lang me.

Marami ang nagtatanong ano ba daw ang nagustuhan ni Kris kay James?

O well, para sa akin baka nakita ni Kris kay James ang katangian na gusto niya at halos kawahig ng kanyang unang love na si Alvin Patrimonio. Sa sporting world, marami ang nakakaalam na si Alvin Patrimonio ang unang love ni Kris.

Marami nga ang nagsasabing may pagkakahawig nga si James kay Alvin (hindi sa hitsura kundi sa pag-uugali). Mabait na bata itong si James at totoong tao. Nakasama ko ang batang cager sa Vietnam SEA Games at masasabi kong tunay na mabait at sincere naman itong si James.

Pero ang tanong magpapakasal nga ba itong si Kris kay James?

O well, malayo pa ang kanilang plano at marami pa ang puwedeng mangyari.
* * *
Buntis ng 5 months ang dating girlfriend ni James na si Nina. At ayon sa source ko, walang balak maghabol itong si Nina kay James. Kung hindi siya pakakasalan ni James, wag nang maghangad ang cager na makita niya ang kanyang magiging anak sa kanyang ex-gf.

Ayon pa sa aking source, anak daw ng isang opisyal ng PNP si Nina na isang medical student.

Saludo ako sa iyo Nina!

Malakas at matatag ka, kunsabagay, hindi lang naman si James ang lalaki ‘no. Kung ayaw niya eh di huwag.

Pero totoo nga kaya ang balitang buntis na ito?

vuukle comment

ALVIN

ALVIN PATRIMONIO

GAYUNPAMAN

JAMES

JAMES YAP

KRIS

KRIS AQUINO

MARAMI

NINA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with