VP Sara binisita puntod ng lolo, lola nitong Undas

MANILA, Philippines — Binisita ni Vice President Sara Duterte ang puntod ng kanyang mga yumaong lolo at lola nitong Undas at nag-alay roon ng panalangin.
Sa isang Facebook post nitong Lunes, nagbahagi rin ang bise presidente ng larawan habang nasa museleo ng kanyang mga lolo at lola na sina Vicente at Soledad Duterte, na matatagpuan sa isang Roman Catholic Cemetery sa Davao City.
“Kamakailan ay binisita natin ang libingan ng aking lolo at lola na sina Vicente at Soledad Duterte upang mag-alay ng panalangin at hilingin ang kanilang payapang pamamahinga sa kabilang buhay,” ayon pa kay VP Sara.
Sa caption ng kanyang post, ibinahagi rin niya ang isang Bible verse mula sa Book of Revelation.
Nakasaad dito ang mga katagang, “And God shall wipe away all tears from their eyes; and there shall be no more death, neither sorrow, nor crying, neither shall there be any more pain: for the former things are passed away.”
Bukod sa puntod ng kanyang mga lolo at lola, una na ring binisita ni VP Sara ang Ormoc City Public Cemetery Mass Grave Memorial sa Leyte, ilang araw bago ang ika-35 taong anibersaryo ng Ormoc flash flood noong Nobyembre 5, 1991, na ikinasawi ng mahigit 6,000 katao.
- Latest



















