^

PSN Palaro

Cebu, kampeon ng Sinulog Cup

-
CEBU City -- Hindi nangyari ang inaasahang classic championship game nang ilampaso ng M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu ang Mail & More-MayniLA, 97-78, kamakalawa upang makopo ang 2004 Pa-nasonic National Basketball Conference Sinulog Cup sa New Cebu City Coliseum.

Maagang siniguro ng Cebuanos ang kanilang panalo sa tulong nina Jessie Lumantas at Bong Marata na umiskor ng 10-puntos sa opening canto tungo sa13-point lead, 31-18.

Sumandal ang Mail & More kina Ernani Epondulan at Axel Doruelo para bahagyang makalapit sa halftime, 38-48.

Tuwing magtatangkang humabol ang MayniLA sa ikatlong quarter, kumakana ng mahahalagang puntos si Marata habang nagtala naman si Woodraw Enriquez ng dalawang triples para sa 72-61 ka-lamangan ng M. Lhuillier patungo sa ikaapat na quarter.

Isang 13- 0 blitz ang pinakawalan ng Cebu sa bungad ng final canto sa pangunguna nina James Laygo at Bruce Dacia para sa 85-61 tungo sa tagumpay ng tropa ni Coach Raul Alcoseba.

Sa labanan para sa third place, naisubi ng Sulpicio Lines-Adamson ang kanilang unang tropeo sapul nang sumali sa liga noong nakaraang season matapos igupo ang Spring Cooking Oil-San Pablo 7-Lakers, 81-79.

vuukle comment

AXEL DORUELO

BONG MARATA

BRUCE DACIA

COACH RAUL ALCOSEBA

ERNANI EPONDULAN

JAMES LAYGO

JESSIE LUMANTAS

LHUILLIER KWARTA PADALA-CEBU

NATIONAL BASKETBALL CONFERENCE SINULOG CUP

NEW CEBU CITY COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with