^

PSN Palaro

UE boys kampeon sa UAAP volleyball

-
Pinabagsak ng University of the East ang La Salle Zobel, 25-18, 25-22 upang tanghaling kampeon ng UAAP boys volleyball sa UE Recto gymna-cium.

Nangailangan lamang ang mga bata ni coach Rod Roque ng 47 minuto upang paluhurin ang Zobel boys na kahit natalo ay hawak pa rin nila ang pinakamaraming titulo na anim sa UAAP boys volleyball.

Ang UE ay may tatlong korona na lalong nagpahigpit ng kanilang rivalry ng La Salle sa naturang sport.

Ito rin ang ikalawang titulo para sa UE sa juniors UAAP action makaraang makopo ang korona sa chess sa unang semester.

Mayroon ding dalawang seniors title ang UE, ang women’s athletics at women’s softball.

Walang patawad ang UE sa kanilang laban nang di nila hinayaang makalapit ang La Salle upang makumpleto ang sweep sa race-to-two finals.

Nanalo ang UE sa Game One sa pareho ding iskor, 25-18, 25-22 noong Miyerkules, ang araw na nakopo ng UE softbelles sa Pasig ang kanilang ikatlong titulo sa liga.

Hangad din ng UE na makopo ang ikatlong sunod na titulo sa men’s fencing na magpapatuloy sa susunod na weekend sa PhilSports Fencing Hall. Nanalo ang UE sa lahat ng UAAP men’s fencing mula nang ipakilala ang naturang sport noong 1999.

Sa men’s basketball front, tangka ng University of the Philippines na maisukbit ang titulo laban sa humihinang De La Salle crew simula sa alas-12:00 ng tanghali ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Ang Maroons, na nalagay sa alanganin sa kanilang pagtatanggol ng titulo, ay nangunguna sa best-of-three championship showdown matapos blangkuhin ang Green Archers, 4-0 sa Game One noong Huwebes.

Halos abot na kamay ng Archers ang titulo nang sila ay makalapit sa sweep sa eliminations ngunit ipinagkait ito ng Maroons na nagbunga ng crossover sa best-of-three finals.

vuukle comment

ANG MAROONS

DE LA SALLE

FENCING HALL

GAME ONE

GREEN ARCHERS

LA SALLE

LA SALLE ZOBEL

NANALO

RIZAL MEMORIAL STADIUM

ROD ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with