^

PSN Palaro

Shell solo lider sa PBA All-Filipino Cup

-
Bagamat handa nang maglaro si Benjie Paras hindi na kinailangan ni Shell Velocity coach Perry Ronquillo ang kanyang serbisyo matapos na umangat ang laro ng kanyang mga kasamahan.

Kakaibang laro ang ipinamalas nina Dale Singson, Jojo Lim, rookie Mike Hrabak, Mark Telan at Rob Wainwright upang ihatid ang Turbochargers sa 91-75 panalo kontra sa Tanduay Gold Rhum kagabi sa PBA All-Filipino Cup sa PhilSports Arena.

Bunga nito, nasolo ng Shell ang liderato sa kasalukuyang eliminations matapos ilista ang kanilang ikalawang sunod na panalo at ikalima sa kabuuang 7-laro.

"Benjie (Paras) told me that he is ready to play," ani Ronquillo. "Pero hindi ko na siya ipinasok dahil the other guys slipped up their game and theres is no need for Benjie to play."

Dalawang game na di nakapaglaro si Paras dahil na-confine ito sa ospital bunga ng ear infection at karamdaman sa lalamunan.

Pinangunahan ni Singson ang Shell na umabante ng 24 puntos, 7:56 ang oras sa ikatlong quarter sa paghakot ng 21-puntos.

Dinomina ng Shell ang laban matapos na buksan ang laro sa pamamagitan ng 23-13 kalamangan at lumobo sa 30-18 sa ikalawang quarter. Ang tanging oposisyong naibigay ng Tanduay ay makalapit ng hanggang 6 puntos, 26-32 at di na muling nakapagbigay pa ng kaba sa kalaban sanhi ng kanilang ikalimang talo sa 7 laro na naging dahilan ng pagkakabaon sa pangungulelat ng Rhummasters.

Sinikap makaahon ng Rhummasters sa 24 puntos na pagkakahuli sa pamamagitan ng 17-7 run na pinagtulung-tulungan nina Noli Locsin, Dondon Honti-veros at Jeffrey Cariaso, ngunit sapat lamang ito para bahagyang lumapit sa 73-87, 1:22 na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Nanguna si Cariaso para sa opensa ng Tanduay sa kanyang naitalang 18 puntos.

Samantala, nakatakdang magsagupa ngayon ang Batang Red Bull at Barangay Ginebra sa pagdako ng aksiyon sa Iloilo City.

Maghaharap ang Thunder at Gin Kings sa alas-5 ng hapon kung saan nakataya rito ang karapatang makisosyo sa kasalukuyang lider na Shell Velocity.

Ang Red Bull at Ginebra ay tabla sa 4-2 record kasama ang San Miguel Beer.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Purefoods TJ Hotdogs at defending champion Alaska Aces bilang main game kagabi.

vuukle comment

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

ANG RED BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BENJIE

BENJIE PARAS

DALE SINGSON

DONDON HONTI

SHELL VELOCITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with