^

PSN Opinyon

Bakit may mga plakang ‘di mabasa ng scanner?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG babasihan natin itong mga pahayag at paliwanag ni Asec. Markus V. Lacanilao ng Land Transportation Office patungkol sa mga bagong plaka ng mga sasakyan, marami pa rin ang nalilito. Ang mga nakakabit ngayon na mga plakang kulay puti ay masasabi nating legal dahil galing mismo ito sa LTO Main Office. Kasi nga inamin nitong si Asec. Lacanilao na lubusan na nilang naresolba ang backlog ng mga plaka na natengga noon pang 2015.

Kung sabagay noong nakaraang taon ay kapansin- pansin na halos lahat ng mga sasakyan ay kulay puti na ang mga plakang nakakabit, subalit may katanungan ang ilang may-ari ng mga sasakyan dahil nang magrehistro sila via Online Renewal ay hindi mabasa ng scanner ang QR Code ng plaka kaya’t hiningi ng mga ito na ikabit ulit ang dating kulay berde na plaka upang makapasok sa server at maiproseso ang pagparehistro.

Ang masakit, malaking abala itong pagpapalit ng dating plaka dahil karamihan sa mga nagparehistro ay galling pa sa malalayong bayan. Ang masaklap pa nito, inakusahan pa ng ilang technician ang mga may-ari ng sasakyan na ‘fake’ umano ang nakakabit na plaka. Patutsada pa nitong mga technician na sa Online lamang umano ipinagagawa ang plaka kaya’t napipeke. Ang tanong tuloy nitong aking mga kausap, bakit naman magiging peke itong plakang puti na nakakabit ngayon sa kanilang mga sasakyang gayon nai-release ito sa LTO. Bakit kailangan pang pahirapan ang mga may-ari na nagnanais ng bagong plaka gayong may 10 taon nilang inantay ito. Halos limpak-limpak na interest ang nakamal ng ilang dahapang na mga opisyales ng nakalipas na administrasyon partikular sa liderato ni dating Pangulong Noynoy Aquino. At nang lumabas ang plaka dahil sa pagpupursigi ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., aba’y nagkaroon pa ng kapalpakan at sa mga may-ari ng mga sasakyan ibinunton ang mga ito. Hehehe!

Kasi nga noon Sept. 1 ay inutos ni Lacanilao sa mga masisigasig na LTO enforcers na hulihin ang lahat ng mga hindi pa nakapagpapalit ng plakang puti. Naging masalimuot ang sinapit ng ilang motorista dahil nasampulan sila. Sorry na lang na kumalansing ang tumataginting na P5,000. Get nyo mga suki? Kasi nga, mukhang hindi napag-aralan nitong si Lacanilao nang ikumpas niya ang kanyang kamay hindi lamang sa mga taga LTO. Naging palabigasan na ito ng ilang mga buwaya at mandarambong sa kalsada.

Pero nagkaroon ito ng pag-iingay sa madlang pipol kaya’t pansamantalang sinuspinde ni Lacanilao ang panghuhuli sa mga hindi nakakapalit ng plakang puti.

Ang tanong ngayon, paano na lang itong mga ayaw tanggapin ng mga scanner ang mga plaka nang magparehistro ang mga ito partikular na sa mga lalawigan? Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with