^

PSN Opinyon

Nang mag-100 taong gulang si Aunt Lily

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA rin sana ako sa mga nagmadaling magsalin ang 2014, kaya lang may isang dapat ipagpasalamat sa taong kalilipas. Ito ang haba ng buhay.

Meron akong tiyahin, si Dr. Lily Ymzon Cenizal Fojas, na nag-100 taong gulang nu’ng 2014. Napakasaya ng bayan ng Tanza, Cavite. Lahat ng kasalukuyan at da-ting opisyales, obispo at mga pari, guro, tricycle drivers, magsasaka, mangingisda, at libo-libo pa ang dumalo sa potluck na “bangkete sa bangketa” sa harap ng lumang bahay niya. Kilala nang lahat si Auntie Lily bilang general physician na nagpaanak sa kanila; nag-stethoscope, tumuli, at bumutas ng tenga nila; gumamot ng kanilang lagnat, galis, kagat-aso, tigdas, bulutong-tubig, beke, at dysmenorrhea; at pagkatapos, ng kanilang mga anak, apo, at apo sa tuhod. Nakakalakad pa nang sarili si Auntie Lily, nagbabasa ng diyaryo, nakikinig ng musika sa radyo, at nanonood ng tele-novela. Parati siya tinatanong kung ano’ng sikreto sa long life, at napapahagikgik siya sa animo’y kasimplehan nito: huwag magalit kailanman.

Nag-98 taong gulang naman ang kapatid ni Auntie Lily na composer, si Josefino Y. Cenizal. Nag-concert tribute si Ryan Cayabyab sa pag-conduct sa U.P. Madrigal Singers, kasama sina Bituin Escalante at Jed Madela. Inawit nila ang dalawa sa maraming akda ni Uncle Pepe: “Hindi Kita Malimot” at “Ang Pasko Ay Sumapit.”

Nag-86 anyos si Tito Nene, Jake Almeda Lopez. Isa sa mga namuno sa paglaban sa martial law ni Diktador Marcos, tumakas siya mula sa bilangguang politikal para ipagpatuloy ang pakikibaka.

Nag-87 anyos naman ang aking ina, si Violeta Almeda Ymzon Bondoc. Halos wala na siyang makita at pandinig. Pero sa pakikipag-usap niya, bumalik siya sa wikang kinalakihan, at kinukuwentuhan kami tungkol sa aming mga ninuno na purong Kastila.

Mga kaanak at kaibigan ko na umabot at lumampas sa edad-70, na ipinagkaloob ng Diyos, ang ipinagpapasalamat ko sa taong lumipas.

vuukle comment

ANG PASKO AY SUMAPIT

AUNTIE LILY

BITUIN ESCALANTE

DIKTADOR MARCOS

DR. LILY YMZON CENIZAL FOJAS

HINDI KITA MALIMOT

JAKE ALMEDA LOPEZ

JED MADELA

JOSEFINO Y

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with