^

PSN Opinyon

Magtulungan huwag magturuan

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

TUWING may nangyayaring kalamidad kagaya nang mapaminsalang habagat na dinanas natin nitong nakalipas na linggo, madalas magturuan ang mga ahensya ng pamahalaan. Kesyo kasalanan ng Pag-Asa o kaya ng DENR o kaya ng mga local na opisyal.

Isang halimbawa ng “blame game” ay kapag hindi nakapagdeklara ng suspension ng klase ang Department of Education at na-stranded ang maraming mag-aaral. Kaya nga ipinasya na ng Malacañang na ito na ang magsuspinde ng pasok sa mga paaralan at pati opisinang pribado o pampamahalaan.

Marahil dapat nang tuldukan ang pagtuturuan at sa halip ay magtulungan para malutas ang problema. After all may isang gobyerno lang naman tayo at hindi naman iba-ibang “republika” ang mga sangay nito.

Ang isa pang dahilan ng mga grabeng pagbabaha ay ang kabiguang ipatupad ang lahat ng batas pangkapaligiran. Gaya nang sinabi ni Senator Chiz Escudero dapat nang magtulungan ng Departments of Environment and Natural Resources at ang Interior and Local Government upang masigurong istriktong maipapatupad ang mga environmental laws.

Bukod sa palpak na pagtatapon ng basura, hindi na kailangang sabihin pa na ang isang dahilan ng malubhang pagbaha ay ang pagkasalanta ng ating mga gubat dahil sa walang habas na pagtrotroso.

Ayon kay Escudero, sapat naman ang mga batas para mabigyan ng proteksiyon ang kalikasan pero hindi ito naipapatupad.

Dapat sana’y matagal na tayong natuto. Noon pang manalanta si Ondoy pero tila pati babala ng kalikasan ay balewala sa atin. Hayy..kailan pa tayo matututo?

Mayroon tayong Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay isinabatas para mabawasan ang matinding    epekto ng baha dahil sa basura.

Nakita naman natin ang napakalaking volume ng basura na isinuka ng mga ilog at karagatan dahil sa delubyo. 

Hindi pa ba malinaw na ebidensya iyan?

vuukle comment

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENTS OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

REPUBLIC ACT

SENATOR CHIZ ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with