^

PSN Opinyon

'Villaroyo' at ang Bangon landslide sa Hong Kong

- Al G. Pedroche -

MAY hibla ng katotohanan ang alyansang Villar at Arroyo.  Kahit ipagkaila pa ito, malakas ang mga indikasyong totoo ang “Villaroyo.” May balitang tinawagan ng Malakanyang ang mga political kingpins sa Cebu para suportahan si Villar. Kumagat daw si Rep. Pablo Garcia pero hindi si Gov. Gwen Garcia.  Nagsumbong si Gwen kay Gibo Teodoro na siya ay pinagtataksilan ng Malakanyang. 

True enough, isa-isang nagpulasan ang mga trapong walang prinsipio.  Ultimong si Speaker Prospero Nograles ay sumusuporta na kay Villar kahit sinasabing nananatili siyang LAKAS. Ito rin ay ginawa nina Compostela Valley Gov. Arthur Uy, Davao Del Sur Rep. Douglas Cagas at iba pa. Da-pat na talagang magbago ang lisyang sistema ng pulitika.

Isa sa mga nakikita kong babago sa ganitong uri ng bad politics ang partidong Bangon Pilipinas sa pangunguna ni presidential bet Eddie Villanueva. Kahit kapos sa pondo,   hindi rin biro ang bilang ng mga taong sumusuporta sa kay Bro. Eddie. Palatandaan ito ng dumarami ang mga taong sumusuporta sa adhikaing magkaroon ng genuine reform sa bansa. Mga taong sawa na sa lumang politika at sa mga     nanungkulan na’ng leader na walang nagawang mabuti para sa bansa kundi mangurakot. Sa katatapos na overseas ab­sentee voting, namayagpag ang partido ng Bangon sa pangunguna ni Bro. Eddie sa mga botanteng Pinoy sa Hong Kong. Ito ang kinalabasan ng exit poll na isinagawa sa naturang lugar. Hindi lang si Bro. Eddie ang nanguna kundi pati ang mga senatoriables ng Bangon Pilipinas kasama na ang ating mga katoto sa media na sina Kata Inocencio at Alex Tinsay.

Pero “neck to neck” ang labanan nina Bro. Eddie at Libe­ral Party presidential bet Noynoy Aquino. Ayon sa exit poll ng The Sun matapos ang botohan noong April 11, kabuuang 2,901 ang bumoto sa HK. Lumalabas na si Bro. Eddie ay lamang ng 396 votes o 36.13 percent; habang si Noynoy Aquino ay may 392 votes o 35.7 percent. Siyempre nagagalak si Bro. Eddie sa resultang ito although marami pa ang puwedeng mangyari mula ngayon hanggang matapos ang May 10 elections.

Idalangin nating hindi na magtatagumpay    ang mga buktot na disensyo ng mga trapo. 

ALEX TINSAY

ARTHUR UY

BANGON PILIPINAS

COMPOSTELA VALLEY GOV

DAVAO DEL SUR REP

DOUGLAS CAGAS

EDDIE

NOYNOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with