^

PSN Opinyon

"Right to privacy"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NGAYON DAPAT GINAMIT ANG SALITANG "RIGHT TO PRIVACY" NA PAULIT-ULIT NA SINABI NI IGGY ARROYO SA SENADO. SUBALIT HINDI GANITO ANG NANGYARI SA JOEY-KRIS SCANDAL."

GINULANTANG ang buong Pilipinas noong Martes ika-23 ng Setyembre nang ipa-blotter ni Kris ang kanyang nobyong si Parañaque Mayor Joey Marquez.

Tila wala nang kakampi si Joey sa pagkakabunyag ni Kris ang umano’y pambubugbog at panunutok ng baril nito sa kanya. Tuluyan na kayang nawasak ang ambisyon ni Joey na maging kongresista sa kanyang nasasakupan?

Samu’t sari ang mga opinyon ang nilalahad ng bawat sambayanan hinggil sa hiwalayang ito na dapat sana ay personal na lamang pinag-usupan at hindi pinagpiyestahan ng pubilko. Ang "wife-battering" ay hindi bago dito sa ating lipunan. Kasama sa ating kultura. Magandang gumawa ng isang pag-aaral tungkol d’yan.

Marami ang nakisimpatiya at nakiugoy sa nangyaring ito kay Kris. Karamihan sa kanila ay kapwa niya kababaihan lalo na ang mga kababaihang umano’y binubugbog sila ng kanilang asawa. Naawa sila sa sinapit nito dahil kalabisan na ang ginagawa ni Joey sa kanya. Subalit sa kabila nang ito ay meron din namang hindi nagustuhan ang pagbubunyag nito dahil para sa kanila, hindi na dapat ito isinasapubliko tulad ng ginawa ni Kris.

Marami ang nagbigay sa akin ng opinyon na hindi sila sang-ayon sa ginawa nitong pagbubunyag. Ito raw ay kasarian niya at malaking kahihiyan ang idudulot nito hindi lamang sa kanya kundi para na rin sa buong angkan ng mga Aquino.

Maraming sinabi si Kris laban kay Joey tulad ng hindi lamang isang beses niyang naranasan ang umano’y pananakit sa kanya nito sa tuwing sila ay nagkakaroon ng argumento. Sinabihan din umano ni Joey ng masasama ang ibang nakarelasyon ni Kris na dapat sana’y sinaloob na lamang niya ito. At higit sa lahat, ang pagkakaroon niya ng Sexually Transmitted Disease (STD). Sana raw ay nanahimik na lamang siya sa mga nangyaring ito dahil ito ay personal na pinag-uusapan upang mabigyan ng kaukulang solusyon hindi yung nagpunta pa siya sa Camp Crame at doon nagsumbong sa mga nangyaring ito sa pagitan nila ni Joey.

Hindi simpleng mamamayan lamang si Kris. Kilala siya bilang anak ng dating presidente ng bansa at hinirang ng isang bayani ang kanyang ama subalit maraming nagtataka kung bakit kadalasan ay sa may asawang tao siya naiiugnay.

May nagsabi rin na kung hindi sana naging matigas ang ulo hindi niya sana aabutin ang mga bagay na dinulot ng sitwasyon. Hindi lamang ito ang unang beses niyang binigyan ng kahihiyan ang kanyang pamilya.

May saysay pa kaya ang pahingi ni Kris ng kapatawaran sa dating asawa ni Joey dahil ayon sa kanya kung hindi sana siya pumasok sa eksena marahil sana ay nagkabalikan na ang dalawa? Hindi na kaya naisip ni Kris ang mga taong maaaring maapektuhan sa mga nangyayaring ito tulad ng mga anak ni Joey. Ang sariling anak na si Josh?

Sa gitna ng kaguluhan at simpatiya na bumuhos ka Kris, nakalimutan na ba natin ang sinabi at inamin ni Kris na SELOS ang ugat ng lahat? Nakalimutan na natin na sinabi ni Kris na dinakma niya ang bayag ni Tsong at gutso niya pisakin ito. Nakalimutan na ba natin na binuhusan niya ng likido at sinilaban ang kama sa loob ng essensa Condominium, pero pinatay din daw niya ito ng unan? Ngayon, tanggalin nating ang "myth from our eyes and view reality in its bare essence." Tanungin n’yo, si Kris ba ay may kapasidad na maging violent? Nakalimutan na ba rin natin na kinumpronta siya ni Joey ng mga telephone bills for August at dun lumalabas na nag-uusap pa sila sa cellphone ni Vic Sotto? Sagot ni Kris, uuwi ako sa nanay ko. Tinawag ang yaya at si Josh. Tatakasan niya ang kinompronta sa kanya.

Yung mga pasa sa braso ni Kris, sa tagal ko ng nasa crime beat, kung suntok galing kay Joey na 6 feet 2 inches tall, lasug-lasog na ang katawan nito. Hindi kaya pasain si Kris dahil maputi siya at natamo niya ito dahil bumabangga ang braso niya at sinasalag ni Joey? Marahil mali ako. I am just playing Devil’s advocate here. Kris Aquino knew what whe was getting herself into. Matalino siya, galing siya sa kilalalang angkan. Si Joey Marquez naman ay kilala ng lahat na pilyo sa babae. Hindi ba naisip lahat ito ni Kris bago niya pinasok ang lahat ng ito? Bakit niya ngayon pinapahaba?

Bakit nung siya’y hinawaan ng tulo ni Joey (si Kris), hindi niya agad ito hiniwalayan?

Si Kris ay pinaratangan ng kampo ni Joey na may"suicidal tendencies." Hindi sinagot ito ni Kris at sinabing, bakit iniiwasan ang isyu ng panunutok at pagkasa ng baril. Kris Aquino gave the greatest performance of her life, lalo nang kaladkarin niya ang kanyang ina, Corazon Aquino, dating pangulo natin ang iniidolo ng marami, ang kanyang ama na si Senator Benigno Aquino, Jr.

Hindi sana ako magsusulat tungkol dito subalit napakaraming text messages ang natanggap ng inyong lingkod.

PARA SA INYONG MENSAHE, MAG -TEXT SA —0179904918. MAAARI RIN KAYONG TUMAWAG SA "CALVENTO FILES" 7788442.

Isa rin nga pala. Nakakasawa na ang patuloy na pagpapalabas ng Kris Confession ng Channel 2. Masyado na yatang pinipiga. Sapal na gusto pang pakinabangan. All in the name of television ratings.

vuukle comment

JOEY

KRIS

KRIS AQUINO

NAKALIMUTAN

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with