^

PSN Opinyon

Video karera ni Buboy Go patuloy na naman

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SOBRANG tapang talaga nitong sina Buboy Go, ang hari ng video karera sa Maynila at Chairman Victor Malig ng Barangay 426 Zone 43 sa Paltoc, Sta. Mesa. Ilang araw lang matapos nilang iligpit ang mga makina diyan sa lugar ni Malig eh bumalik na naman. Kung walang takot itong sina Buboy Go at Malig kina Interior Secretary Joey Lina, Manila Mayor Lito Atienza, NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco at WPD chief Pedro Bulaong eh lalo na sa Itaas dahil hindi nila nirespeto ang Holy Week. Bago kasi mag-Holy Week naglatag na muli ng makina itong si Buboy Go sa dating mga puwesto nila kaya’t masaya na naman ang mga adik sa lugar ni Malig.

Kaya naniniwala ang mga ka-barangay ni Malig na malaki talaga ang lingguhang tong na ibinigay ni Buboy Go sa opisina nina Atienza at Bulaong dahil hindi niya inaalintana ang galit ng dalawa. Paano na lang maibalik ng pulisya ang tiwala ng taumbayan sa kanila kung itong reklamo nila laban ke Buboy Go ay hindi nila maaksiyunan? Kanino na lang lalapit ang mga nagrereklamong magulang? Sa rebeldeng New People’s Army (NPA)? Baka sakaling mabilis pa silang umaksiyon, no mga suki? He-he-he! Mga desperado lang ang lalapit sa NPA.

Para sa kaalaman nina Atienza at Bulaong ang mga video karera ni Buboy Go ay matatagpuan sa mga dating puwesto nila sa bahay nina Jonjon Vericio sa 3479 Int. 9; Adelaida dela Cruz sa 3479 Int. 13; Bobby Ganadin sa 3479 Int. 31, at Mila Nosis sa 3479 Int. 34, lahat sa Paltoc, Sta. Mesa. Nandoon pa rin ang malakasang cara’y cruz at tong-its sa bahay ni Ganadin at ang pa-bookies ng karera sa bahay naman ni Romy Ibasco sa 3479 Interior 12. May tong-its rin sa bahay ni Aning Garcia sa 3479 Interior 29.

Mukhang mini-casinong muli ang barangay ni Malig, no mga suki?

Kaya naman pala hindi makatiis si Chairman Malig na walang casino sa lugar niya eh P500 kada puwesto araw-araw ang kinikita niya, anang ka-barangay niya na nakausap natin. Ang locator naman na si Adelaida dela Cruz, na asawa ni Kagawad Teofilo dela Cruz ay kumikita naman ng P200 kada araw. He-he-he! Magkano naman kaya ang nakarating sa kaibigan kung si Supt. Bernado Diaz ng WPD Station 4 para payagan niyang makapaglatag na muli si Buboy Go sa lugar ni Malig?

At dahil bumalik na muli ang makina ni Go sa Paltoc aba lalong sumisigasig naman ang negosyo ng mga pushers lalo na ang magkapatid na sina Bebot. Aning, Gamby at Alona Constantino, anang mga nagsumbong sa akin. Ang iba pang mga pushers ay pinangalanan nilang alyas Fer Bio, Edna Cerudo, at mag-asawang Ronald at Zeny Vericio. Ang dumi pala nitong barangay ni Malig no mga suki? Nakakasuka! At kapag nabasa niya ang kolum ko na ito, tiyak isusukbit na naman ni Chairman Malig ang kanyang kalibre .357 na baril at hahanapin kung sino talaga ang nakausap natin. He-he-he! Baka mamaga ang mata mo sa kahahanap Chairman Malig Sir.

Pinaimbestigahan na ni Lina at ng WPD itong si Malig pero mukhang wa-epek. Sigurado akong aaksiyon kaagad ang kaibigan kong si Supt. Diaz sa pagbubulgar kong ito pero tulad ng dati, isang sirang makina lang ang gagawin niyang ebidensiya, Buking!

vuukle comment

ADELAIDA

ALONA CONSTANTINO

BUBOY GO

CHAIRMAN MALIG

CRUZ

HOLY WEEK

MALIG

NAMAN

PALTOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with