^

PSN Opinyon

Nagbubulag-bulagan ba si Sec.Lina o nagpapapogi ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Humahagikhik sa tawa ang mga nakausap kong abot ang illegal na sugal bunga sa inilabas na jueteng hot spots ng Department of Interior and Local Government (DILG). Kasi nga imbes na magiging pogi itong si Interior Secretary Joey Lina ang nangyari tuloy napintasan pa siya sa kanyang aksiyon dahil pili lang ang mga lugar na binanggit niya samantalang alam ng lahat na hayagan na ang jueteng sa buong bansa. Si Secretary Lina lang ’ata at si Philippine National Police (PNP) chief Director General Leandro Mendoza ang huling nakaaalam nito.

Ang tanong ngayon ng mga nakausap ko bakit hindi binanggit ni Lina ang Lubao sa Pampanga na pugad ni Central Luzon jueteng King Bong Pineda, na kumpare naman ni Presidente Arroyo? Ibig bang sabihin ni Lina wala nang jueteng sa Lubao? He-he-he! Pati ako napatawa diyan ah.

Bakit hindi rin napasama ang Bulacan kung saan namumugad ang Viceo brothers; ang Ilocos Region ni Bonito Singson; ang Quezon ni Charing Magbuhos; ang Batangas at Bicol provinces ni Engr. Arman Sanchez. Nagbulag-bulagan lang ba si Lina o gusto lang niyang magpapogi dahil mukhang nanganganib na siya sa puwesto niya?

Kung nakatayo ka sa ngayon, kahit saang parte ng Pilipinas ka humarap ay puwede kang tumaya sa jueteng Secretary Lina Sir. Huwag kang mamili ng kalabanin dahil sisipa rin ’yan sa ’yo. Eh kung raid nang raid itong Task Force Jericho mo subalit hindi pa rin natitinag ang jueteng ibig sabihin may nangyari na kaya’t panahon na para magsuot ka ng helmet. Huwag ’yaong gawang lokal kasi mahina at baka masaktan ka pa.

Ang pangamba naman ng mga police commanders ay baka gagamitin lang ni Lina itong jueteng hot spots para mapalitan sila ng mga ‘‘bata’’ niya. Ano ba ’yan? Huwag naman dahil sa jueteng no, di ba mga suki? Nakakahiya ’yon! Sa Metro Manila naman walong siyudad lang ang binanggit sa jueteng hot spots ni Lina samantalang sa lahat na halos na lugar hayagan na ang operasyon ng mga pasugalan. Pati naman sa Metro ay may kinikilingan ka rin ha Secretary Lina. Kung dadami pa ang jueteng kahit sa ginawa mong pagbulgar ng DILG hot spots, wala nang dapat sisihin kundi si Secretary Lina, di ba mga suki? Sa magkanong dahilan, ang tanong ng mga nakausap ko?
* * *
VK watch – Nangangamba ang mga magulang sa San Andres Bukid sa Sta. Ana, Manila na baka hindi makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak dahil naloloko sa video karera. Sinabi ng sumulat sa akin na imbes sa eskuwelahan magbababad ang mga anak nila doon na lang sa mga video karera na pag-aari ng isang Ben Galon, na isang retiradong pulis. Ang makina ni Galon ay makikita sa Dagonoy Market, dalawa sa Onyx St. at isa ay nasa likod ng Liza Sari-Sari store. Minsan nang nakumpiska ang mga makina ni Galon subalit laking lungkot ng mga magulang dahil isinauli rin ng mga pulis matapos makulimbat ang mga lamang barya. Kilos na Sr. Supt. Nick Pasinos, Sir.

vuukle comment

ARMAN SANCHEZ

BEN GALON

BONITO SINGSON

CENTRAL LUZON

CHARING MAGBUHOS

DAGONOY MARKET

JUETENG

LINA

SECRETARY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with