^

PSN Opinyon

Atty. Calinisan top performing and most trusted official

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Napapanahon na kilalanin itong kasipagan at katapangan­ na ipinamamalas ni National Police Commission (NAPOL­­COM) Commissioner Atty. Ralph Calinisan na kabilang­ sa Media People’s Choice Awards 2026 bilang “Top Performing­ Most Trusted Government Officials” sa seremonyang ginawa noong Nobyembre 11 sa AFP Commissioned Officers Club­house, Tejeros Hall, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Kung sa tingin kasi nitong iilan nating mga kababayan na nagpapa-pogi lamang itong si Calinisan sa tuwing inihaharap ang mga ‘bugok’ na pulis abay, magdalawang-isip muna kayong husgahan siya dahil sa totoo lang ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin bilang taga-supalpal at taga-sunganga sa mga illegal na aktibidades ng Philippine National Police personnel. Get n’yo mga suki?

Kung inyong maalala may iilan tayong mga ‘bugok’ na pulis­ na lumilinya sa hulidap, may nanggugulpi ng mga kabit este ka-live in, planting of evidence at panghoholdap sa isang negosyante kasama ang kabaro nilang pulis na naganap sa may Caloocan City. Nararapat lamang na kasti­guhin o hubaran ng mga uniporme itong mga pulis na naliligaw ng landas­ upang tuluyan na silang mapalayas sa imahe ng PNP. Get n’yo mga suki?

Sa totoo lang isang katerbang pulis na ang tinanggal sa serbisyo ni PNP chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez bilang­ bahagi ng Internal Cleansing subalit bakit mayroon pa ring naliligaw ng landas? Kung babasihan natin ang kanilang suweldo, super laki na ito kumpara mo sa mga kaawa-awa nating­ teachers na nagsusunog ng kilay para mabigyan lamang ng tamang edukasyon ang ating mga kabataan. Subalit kahit malaki ang kanilang suweldo ay nakagagawa pa rin sila ng mga semplang na trabaho.

Ganire ito mga suki, ‘For Commissioner Calinisan, the recognition comes amid NAPOLCOM’s continuing efforts to strengthen police accountability and rebuild public confidence in the police institution. Kaya naman taas noo na ipinangangalandakan ni Atty. Calinisan ang “ We have two important goals: To restore the trust of the people in the police and the NAPOLCOM, and end the perceived culture of impunity that prevails in our institutions. This requires collective effort, sustained reforms, and firm commitment to accountability. We must ensure that no one is above the law, regardless of rank or position.”

Kaya’t kayong mga nalilihis ng landas dyan na nagtatago sa uniporme ng kapulisan abay, magdalawang-isip kayo na baka mapabilang kayo sa ihaharap ni Calisan sa madlang pipol kung patuloy kayong magtitigas-tigasan ng ulo!

NAPOL­­COM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with