^

PSN Opinyon

Bakit ako hinihingal?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kapag hinihingal ka, kadalasan ang ibig sabihin nito ay kailangan ng katawan ng dagdag oxygen. Nakakakuha tayo ng oxygen mula sa ating paligid sa paghinga.

Kapag mabilis at malalim ang iyong paghinga, mas mara­ming oxygen ang papasok sa katawan at tataas ang lebel ng oxygen sa dugo.

Dumadaan ang oxygen sa ating ilong at bibig, papunta sa baga. Ang baga naman ay may maraming maliliit na air sacs (parang lobo) kung saan pumapasok ang oxygen sa dugo.

Ginagamit ng katawan ang oxygen para magbigay lakas sa selula (cells) ng puso, utak at masel. Kapag nagamit na ang oxygen, nilalabas naman ng katawan ang carbon dioxide­.

Kapag tayo ay nag-exhale o naglabas ng hininga, dito naaalis ang carbon dioxide sa katawan.

Ang normal na paghinga ng tao ay mula 12 hanggang 20 bawat minuto. Kapag sobra rito ay hinihingal na. Ang mga masel natin sa dibdib at tiyan (diaphragm) ang tumutulong sa ating paghinga.

Bakit tayo hinihingal? Heto ang ilang dahilan:

1. Napagod o nag-ehersisyo – Kapag tayo ay nag-ehersisyo, mas maraming oxygen ang kailangan ng masel ng katawan. Dahil dito, bumibilis ang ating paghinga.

2. Kinakabhan at nerbyos – Minsan, hindi naman tayo kulang ang oxygen pero dahil sa nerbyos ay napapabilis ang ating paghinga.

3. Kulang ang oxygen sa paligid – Kapag mausok ang lugar o mainit ang panahon, bumibilis din ang paghinga. Kapag nasa mataas na lugar tulad ng bundok, nababawasan din ang oxygen sa paligid kaya mas mabilis ang paghinga.

4. Kapag kulang sa dugo (anemic) o kulang sa kondisyon ang katawan, mas hihingalin ka rin.

5. Ang mga taong may sakit sa baga at puso ay mabilis huminga. Para malunasan ito, magpatingin sa inyong doktor.

OXYGEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with