^

PSN Opinyon

Korte Suprema, walang magawa sa ICC?

ON POINT - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

May hangganan pala maging ang kapangyarihan ng pina­kamataas na hukuman ng Pilipinas. Sa botong 9–4, ibinasura ng Korte Suprema bilang moot and academic ang habeas corpus petitions na kumukuwestiyon sa pag-aresto at pagdadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter­national Criminal Court (ICC).

Hindi idineklara ng Korte Suprema na legal ang pag-aresto kay Duterte o walang nalabag sa kanyang mga kara­patang­ konstitusyonal. Hindi na maipatutupad ang naturang legal na remedyo dahil nasa kustodiya na siya ng ICC sa The Hague.

Samantala, mismong tatlong higanteng bansa ang huma­hamon sa awtoridad ng ICC. Sa pagpupulong sa Shenzhen noong Nobyembre 19, nagkaisa ang Estados Unidos, Russia at China na igiit ang pambansang soberanya at kuwestiyunin ang paggamit ng hurisdiksiyon ng pandaigdigang hukuman.

Habang nagpapataw ng sanctions ang Amerika laban sa ICC, sumaklolo naman ang Japan. Bilang pinakamalaking financial contributor, nangako itong adelantadong ibibigay ang buong kontribusyon para sa 2027. Malinaw na maging ang pandaigdigang hustisya ay nahaharap sa matinding geopolitical pressure.

Ano nga ba ang silbi ng ICC? Itinatag ito upang litisin­ ang mga indibidwal na inaakusahan ng genocide, war crimes, crimes against humanity at crime of aggression kapag ayaw o hindi kayang magsagawa ng tunay na pagli­litis ang pambansang hukuman.

Ngunit walang sariling pulisya ang ICC. May awtoridad itong humatol, subalit umaasa sa kooperasyon ng mga bansa. Hindi miyembro ang Amerika, Russia at China, bagama’t ma­aari pa ring masaklaw ng hurisdiksiyon nito ang kanilang mga mamamayan sa ilang pagkakataon.

HUKUMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with