^

PSN Opinyon

Mga feeding program sa mga paaralan at Child Development Centers, palalawakin

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchalian - Pilipino Star Ngayon

Kasunod ng ratipikasyon ng bicameral conference committee report ng National Children’s Nutrition Act (Senate Bill No. 2272 at House Bill No. 9466), inaasahan natin ang mas matatag na pagsugpo sa malnutrisyong kinakaharap ng mga batang Pilipino.

Sa ilalim ng ratipikadong panukala, itataguyod natin ang kalusugan ng batang Pilipino sa iba’t ibang yugto ng kanyang buhay—mula sa sinapupunan hanggang sa makamit niya ang tamang edad sa pagpasok ng paaralan. Kapag naisabatas na ang ratipikadong panukala, mapapalawak natin ang saklaw ng dalawang mahalagang programa: ang School-Based Feeding Program at ang Supplemental Feeding Program.

Sa ilalim ng pinalawak na Supplemental Feeding Program, makakatanggap ng masustansyang pagkain ang lahat ng mga batang dalawang taong gulang at wala pang limang taong gulang na naka-enroll sa Early Childhood Care and Development (ECCD) System. Magiging saklaw ng programa ang lahat ng batang naka-enroll sa ECCD System, anuman ang estado ng kanilang kalusugan.

Para naman sa mga batang nasa parehong age group na hindi bahagi ng ECCD System, pagsisikapan pa rin silang maabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units sa tulong ng mga Barangay Health Workers.

Sa ilalim naman ng pinalawak na School-Based Feeding Program, makakatanggap ng masustansyang pagkain ang lahat ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3, anuman ang estado ng kanilang kalusugan.

Magpapatuloy ang suporta ng programa para sa mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6 na nakararanas ng malnutrisyon. Magiging saklaw na rin ng pinalawak na programang ito ang mga batang inang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan.

Maliban sa pagpapalawak ng programang ito, magi­ging mandato na rin ng ratipikadong panukala ang mga mekanismo kagaya ng nutrition and growth monitoring, supplementary milk program, micronutrient supplementation, at iba pa.

Sa pagtugon natin sa krisis sa edukasyon, mahalagang tiyakin na hindi gutom ang ating mga mag-aaral pagpasok nila sa silid-aralan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with