Mahigit 160K lumabag sa Alert Level 4 sa NCR
MANILA, Philippines — Nasa 160,297 violators sa ipinatupad na Alert Level 4 sa National Capital Region ang naitala ng Philippine National Police (PNP).
Sa pinakahuling tala ng PNP, 11,450 ang lumalabag kada araw mula Setyembre 16 hanggang 29.
Nabatid na karamihan sa mga ito ay lumabag sa minimum public health standards na umabot sa 113,918 habang nasa 44,556 ang nasita sa curfew at 1,823 katao naman ang hindi mga authorized persons outside residents (APORs).
Isinailalim ang Alert Level 4 sa NCR bilang pilot testing sa ipatutupad na bagong alert system dahil pa rin sa banta ng pandemya.
Panawagan ng PNP sa publiko, huwag na maging pasaway at pairalin ang pagsunod sa mga regulasyon.
Anang PNP hindi lamang ang pamahalaan ang dapat na gumagawa ng mga paraan kundi maging ang publiko.
- Latest
















