28 ‘tiktik’ tumanggap ng P9 milyong reward sa PDEA

MANILA, Philippines — Nasa 28 “tiktik” ang tumanggap ng P9 milyon reward mula sa Operation: Private Eye (OPE) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na makatulong sa ahensiya upang matukoy ang mga sangkot sa illegal drugs.
Dinaluhan naman nina House Committee on Dangerous Drugs Chairperson at Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos, PDEA Director General Isagani Nerez at Dangerous Drugs Board (DDB) Secretary Oscar Valenzuela ang pagbibigay ng incentives sa mga informants. Ayon kay Santos, may mahalagang papel ang informants sa pagpigil sa ilegal na droga.
Aniya mahalaga ang intelligence gathering, law enforcement, community participation, prevention, rehabilitation at prosecution sa kampanya kontra droga.
Sa ilalim ng Operation: Private Eye (OPE), sinabi ni Nerez ang pagbibigay ng reward sa mga “tiktik” ay nakatulong sa kanilang mga operasyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng shabu, cocaine at marijuana, gayundin sa pagbuwag sa mga clandestine drug laboratory.
- Latest























