^

Metro

Senior Citizens Partylist, pinuri ang Gawad Parangal sa mga lolo, lola at apo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Senior Citizens Partylist Cong. Rodolfo Ompong Ordanes ang pagdiriwang ng Filipino Elderly Month sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatangging nakatatanda na may malaking ambag sa  lipunan.

Sa pagdaraos ng 3rd Gawad Parangal for Exemplary Senior Citizens at ang kauna-unahang Outstanding Apo ni Lolo at Lola, sinabi ni Ordanes na ang bawat parangal ay pagkilala sa mga senior citizen na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang pamilya, komunidad, at sa buong bayan sa kabila ng kanilang edad, patuloy silang nagsusumikap, may ambag, pangarap, at may kakayahang maging huwaran sa iba.

Kasama rin sa kinilala ng Senior Citizens Partylist ang mga apo na nagbibigay saya, pagmamahal, at pag-aaruga sa kanilang mga Lolo at Lola.

Aniya, Ordanes, ang pagiging mabuting apo ay hindi lamang tungkol sa regalo, ito ay tungkol sa oras, respeto, pagmamahal, at presensiya.

Naninindigan ang Senior Citizens Party­list, na ang bawat nakatatanda ay may halaga, karapatan, at boses at patuloy na isusulong ang mga programa at batas na nagbibigay pagkilala sa dignidad ng mga nakatatanda at patuloy na ambag sa lipunan.

SENIOR CITIZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with