^

Metro

Baligod pinaaaresto ng korte sa kasong libel

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Baligod pinaaaresto ng korte sa kasong libel
Nabatid na nag-isyu ng warrant of arrest si Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva laban kay Baligod dahil sa paglabag sa Article 353 ng Revised Penal Code.
STAR/ File

MANILA, Philippines —Pinaaaresto ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 184 si Atty. Levito “Levy” Baligod kaugnay ng kasong libel na isinampa ni Manila Rep. Benny Abante.

Nabatid na nag-isyu ng warrant of arrest si Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva laban kay Baligod dahil sa paglabag sa Article 353 ng Revised Penal Code.

Agad namang nakapaglagak ng P30,000 piyansa ang abogado para sa pansamantalang paglaya.

Itinakda ng korte sa Nobyembre 4, 2026, dakong alas-8:30 ng umaga, ang arraignment at pre-trial conference sa kaso.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Baligod ang kopya ng warrant of arrest at sinabi na ibinasura ng Office of the City Prosecutor of Manila ang reklamong libel laban sa iba pang miyembro ng grupong Brave 14 o B14, kaya siya na lamang ang kinasuhan.

Sa kabila ng pagkakasampa ng kaso laban sa kanya, tiniyak ni Baligod na handang tumestigo ang B14 upang panindigan ang katotohanan ng kanilang mga pahayag laban kay Abante. Iginiit din niya na ang katotohanan ay maaaring gamiting depensa sa kasong libel.

RTC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with