^

Metro

Gasolina tataas ng P2.20, diesel bababa ng P2 kada litro sa susunod na lingo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng tumaas ang presyo ng gasolina habang muling bababa ang presyo ng diesel sa bansa sa susunod na linggo, ayon sa paunang pagtaya ng mga source mula sa oil industry.

Batay sa pagtataya, maaaring tumaas ng P2 hanggang P2.20 kada litro ang presyo ng gasolina, habang posibleng bumaba naman ng P1.80 hanggang P2 kada litro ang presyo ng diesel.

Kung matutuloy, ito na ang ikatlong sunod na linggo ng pagbaba ng presyo ng diesel sa bansa.

Ayon sa oil industry sources, nakabatay ang pagtataya sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa galaw ng foreign exchange rate. Gayunman, maaari pang magbago ang presyo bago ang pinal na anunsyo.

Karaniwang inaanunsyo ng Department of Energy (DOE) tuwing Lunes ang opisyal na pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo, na ipinaiiral ng mga kompanya ng langis­ pagsapit ng Martes.

GASOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with