^

Headlines

Invention ng Pilipino

Roy Señeres - The Philippine Star

HINDI na bago sa mga Pilipino ang magkamit ng kara­ngalan dahil sa mga invention na kanilang ginawa. Sa katunayan, ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay isa ring inventor. Nakakalungkot nga lang isipin na iilan lang sa mga Pilipino inventor ang sumisikat, at kabilang na diyan si Dado Banatao, ang inventor ng graphics accelerator na ginagamit ngayon ng lahat na computer.

Ako naman ay mahilig din gumawa ng invention, at dahil diyan may na-register na ako sa US Patent Office, isang design para sa isang sanitary doorknob. Ginawa ko ang invention na ito noong nasa Amerika ako at pag­balik ko sa Pilipinas, itinuloy ko ang aking mga invention projects kung may panahon pa akong natitira sa aking public service.

Sa ngayon, mayroon akong ginagawang invention      na gusto kong ihandog sa mga bumabalik na OFW para sa kanilang re-entry business, maliban pa sa tinalakay ko na “Integrated Farming System”  (IFS). Marami nga pala ang nag-response sa IFS, at kung may interested pa, maari pa silang mag-text sa 09196466323.

Ang aking bagong invention ay isang makina na guma­gawa ng pizza sa ilang minuto lamang, at maaaring makita nang may order ang paggawa ng kanyang pizza, habang gumagalaw ito magmula ng hilaw pa ito, hanggang maluto. Sa mga nakakita na ng aking prototype, natuwa sila dahil very entertaining daw ito, maliban pa sa pagiging practical dahil maliit na space lamang ang kailangan ng makina.

Malapit nang matapos ang aking pizza machine, at ang balak ko rito ay gagawin ko itong franchise kung saan maliit lamang ang babayaran ng franchisee upang maka-pag-simula. Bibigyan ko siyempre ng priority ang mga OFW applicants, ngunit kung may iba pang interested ay kakausapin ko rin. Ang aking invention ay may  conveyor system na may kasamang oven sa loob. Maari rin itong magluto ng iba pang hot food maliban sa pizza.

*  *  * 

Makinig sa “USAPANG OFW” sa DZRH tuwing Linggo, 10 to 11 a.m.

Mag-e-mail sa [email protected], text 09187­903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515 at bumisita rin kayo sa Our Father’s Coffee.

 

vuukle comment

DADO BANATAO

DR. JOSE RIZAL

INTEGRATED FARMING SYSTEM

INVENTION

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with