^

Dr. Love

Dalagang ina

-

Dear Dr. Love,

Isang mataos na pagbati at pangungumusta.

Isa po akong guro sa isang kilalang paaralan sa aming lugar. May isa po akong lihim na hindi batid ng aking mga kasamahan. Ako po ay isang dalagang ina.

Dati po akong lulon sa alak noon at sad­yang mahina kaya nagbunga ang aking kapusukan. Ngayon ay binubuhay ko ang aking anak ng mag-isa sa tulong na rin ng aking mga mahal sa buhay.

Ikinalulungkot ko po ang sinapit ‘ko dahil hindi tanggap sa ating lipunan ang aking­ sitwasyon. Nahihiya tuloy akong malaman ng iba ang aking pagiging dalagang ina.

Dr. Love, ano po ang aking gagawin? Tumatanggi ako sa mga nanliligaw sa akin at mas prefer ko ang one night stand. Tama ba ang ginagawa ko? Sana matulu­ngan ninyo ako.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Jowan V. Zomil

blackhalk-l[email protected] Jowanzomil@yc09303888713/

09165433700

Dear Jowan,

Maaaring maging big deal nga sa profession mo ang tungkol sa personal na estado ng iyong buhay.

Dahil mahalaga ang pagi­ging magandang ehemplo ng mga guro para sa kani­lang estudyante.

Pero tungkol sa pagkakaroon ng one night stand, maling-mali. Dahil hindi maitutuwid ang nakaraang pagkakamali ng pa­ ni­bagong mali. Sikapin mo na maitama ang lahat sa iyong buhay.

Natitiyak ko na may lalaking itinakda para tanggapin anuman ang iyong nakaraan, kaya itigil mo na ang pakikipag-one night stand dahil ito ay imoral na gawain.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

DAHIL

DATI

DEAR JOWAN

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKINALULUNGKOT

ISA

JOWAN V

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with