Pinagselos ang boyfriend
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Mia, 22 years old. May boyfriend ako na nitong mga nakaraang araw ay tila hindi na ako pinapansin. Dahil sa sama ng loob, pumayag akong makipaglandian sa ibang lalaki para pagselosin siya.
Naging epektibo naman ang ginawa ko dahil nakita kong nagselos at nagalit ang boyfriend ko. Pero ngayon, hindi ako mapakali. Nakokonsensiya ako dahil nadamay ang isang taong walang kamalay-malay sa tunay kong intensiyon.
Gusto kong aminin ang lahat sa boyfriend ko, pero natatakot akong mawala siya. Sa palagay ko nagkamali ako sa paraang ginawa ko. Paano ko maitatama ang pagkakamaling ito?
Mia
Dear Mia,
Nauunawaan ko ang iyong kagustuhan na mapansin at muling maramdaman ang pagmamahal ng iyong boyfriend. Pero hindi tama na gamitin ang ibang tao para lang pagselosin siya. Tandaan mo, ang selos ay hindi patunay ng pagmamahal, at ang panandaliang atensiyon ay hindi garantiya ng matatag na relasyon.
Aminin mo ang iyong pagkakamali at humingi ng tawad sa mga taong nasaktan o nadamay.
Mas mabuting pag-usapan ninyo ng iyong boyfriend ang mga bagay na nagpapalayo sa inyong dalawa kaysa gumamit ng panlilinlang.
Huwag mong ha-yaang manaig ang pride at selos.
Ang isang matibay na relasyon ay nanga-ngailangan ng katapatan, tiwala at respeto.
Tandaan mo na hindi kailangang magselos ang isang tao para lamang mapatunayan mong mahalaga ka sa kanya.
DR. LOVE
- Latest
















