^

Dr. Love

Basketball player ang crush

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Mika, 17 years old at kasalukuyang nag-aaral sa high school.

Mayroon po akong crush sa isa sa mga basketball player ng aming paaralan. Simula nang mapanood ko siyang maglaro, hindi ko na maiwasang hanapin siya tuwing may practice o basketball game. Natutuwa ako kapag nagkakasalubong kami at minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin at umasa na baka may pagtingin din siya sa akin.

Pero may isang problema, Dr. Love. Ang muse ng kanilang basketball team ay parang laging nakabantay sa kanya. Kapag lumalapit ako para makipag-usap, bigla itong sumasabat at gumagawa ng paraan para hindi kami magkausap. Napapansin ko ring napakalapit nila sa isa’t isa kaya hindi ko maiwasang magselos at mag-isip kung may namamagitan ba sa kanila.

Minsan naiisip kong umatras na lang dahil ayokong mapahiya o mapag-usapan ng mga kaklase namin. Pero sayang naman kung hindi ko man lang susubukang kilalanin ang taong nagpapasaya sa akin.

Dr. Love, dapat ko ba siyang ipaglaban o ha-yaan ko na lang ang muse na maging hadlang sa nararamdaman ko? Paano ko malalaman kung may pag-asa ba ako sa kanya o hanggang crush na lang talaga ang lahat?

Mika

Dear Mika,

Normal lang ang makaramdam ng kilig, selos at pag-asa kapag may taong nagpapasaya sa iyo. Pero tandaan mo, ang pagmamahal ay hindi paligsahan na kailangang may matalo at may manalo.

Huwag mong ituring na karibal ang muse ng kanilang koponan. Hindi mo kailangang maki-pagkompetensiya o gumawa ng paraan para mapansin ka ng binata. Kung gusto mo siyang makilala, magkaroon ka ng lakas ng loob na makipagkaibigan at makipag-usap ng natural.

Higit sa lahat, Huwag agad magbigay ng kahulugan sa bawat tingin o ngiti. Tandaan mo na hindi sapat ang kilig para masabing may pag-ibig. Kung may pagtingin din siya sa iyo, kusa itong makikita sa kanyang kilos at pakikitungo. Pero kung iba ang kanyang gusto, matuto kang tumanggap at magpatuloy.

MIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with