Ayaw ng regalo
Dear Dr. Love,
Gusto ko lang po ibahagi ang isang bagay na gumugulo sa isip ko tungkol sa girlfriend ko. Malapit na po kasi ang birthday niya kaya pinag-iisipan ko kung anong magandang regalo ang ibibigay ko sa kanya. Pero nang tanungin ko siya kung ano ang gusto niya, nagulat ako sa sagot niya.
Ayaw raw niya ng anumang materyal na regalo. Mas gusto pa niyang ipunin ko na lang ang perang gagastusin ko para sa kanya. Sabi niya, hindi naman daw mahalaga ang regalo at mas magandang may naitatabi akong pera para sa aming kinabukasan.
Na-appreciate ko naman ang pagiging praktikal niya, pero aminado akong medyo nalungkot ako. Gusto ko rin sanang maramdaman niya na espesyal siya sa araw ng kanyang birthday. Hindi naman kailangang mamahalin ang regalo, basta galing sa puso.
Dr. Love, dapat ko na lang ba siyang sundin at itabi ang pera? O maaari ko pa rin siyang sorpresahin kahit simpleng regalo lang? Paano ko maipapakita ang pagmamahal ko nang hindi niya iisipin na sinasa-yang ko ang pera?
Maraming salamat po.
Archie
Dear Archie,
Hindi lahat ng pagmamahal ay nasusukat sa halaga ng regalong naibibigay. May mga taong mas pinahaha-lagahan ang seguridad at kinabukasan kaysa sa mga materyal na bagay. At marahil, iyon ang nais iparating sa iyo ng iyong girlfriend.
Pero hindi nanga-ngahulugang hindi mo na siya maaaring sorpresahin. Hindi kaila-ngang gumastos nang malaki para mapasaya ang taong mahal mo.
Tandaan mo, ang pinakamagandang regalo ay hindi laging nababalot ng magandang papel.
Minsan, ito ay nasa anyo ng pag-unawa, pagtitipid, sakripisyo at mga pangakong tinutupad.
DR. LOVE
- Latest

















