^

Dr. Love

Pinikot

-

Dear Dr. Love,

Ako po’y mag-aanim na buwang kasal na sa aking nobyo na karelasyon ko sa loob ng dalawang taon. Maasim na ang aming relasyon sa ngayon at hindi ko alam kung matatagalan ko pa ang ganitong kalagayan, ngayon pang malapit na akong magsilang ng sanggol.

Malaking adjustment para sa amin ang wala sa panahong pagpapamilya. Naging ura-urada ang aming pagpapakasal. Tinanggihan ni Danny ang mga alok ng aking ama, ang pagtira sa bahay­ namin at pagsagot sa mga gastusin. Hindi­ siya pumasok ng isang sem at naghanap ng trabaho. Sa gabi siya nag-aaral. Minabuti ko rin na huminto muna sa pag-aaral para makatulong sa kanya. Pero minasama niya ‘yun.

Nararamdaman ko na pinahihirapan niya ako para tuluyan nang makipaghiwalay sa kanya. Gusto­ ko nang umuwi sa amin. Pagpayuhan po ninyo ako. Hindi ko masabi ang kalagayan ko sa aking mga magulang dahil ayaw ko nang lumala ang sitwasyon.

Maraming salamat po at hangad ko ang pa­tuloy­ pang tagumpay ng column ninyo.

Menchie ng Makati City

Dear Menchie,

Dumaranas pa ang mister mo ng matinding epekto ng hindi niya matanggap na “pikutan.” Apektado­ ang kanyang ego o pride.

Mag-usap kayo ng masinsinan ng mister mo. Ibukas mo na ang lahat na option niya kung talagang hindi niya matanggap ang pangyayaring ito.

Pero makabubuting bigyan mo pa siya ng tsansang makapag-isip at makita niya ang bago niyang responsibilidad bilang asawa at ama.

Dr. Love

vuukle comment

APEKTADO

DEAR MENCHIE

DR. LOVE

DUMARANAS

IBUKAS

MAASIM

MAKATI CITY

MALAKING

MARAMING

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with