^

Dr. Love

Pinakamahirap sa inang may sakit

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May sakit ako ngayon at isa sa pinakamahirap tanggapin ay hindi ko magawang asikasuhin ang aking mga anak gaya nang dati. Bilang isang ina, gusto kong ako ang nagluluto para sa kanila, nag-aasikaso ng kanilang pangangailangan at gumagabay sa araw-araw nilang buhay.

Pero dahil sa aking kondisyon, hindi ko pa kayang gawin ang lahat ng ito. Naiinis at nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ay nagkukulang ako bilang isang ina.

Mabuti na lamang at napakamaunawain ng aking asawa. Siya ang sumasalo sa mga res-ponsibilidad sa bahay at sa mga bata. Buo ang suporta niya sa akin at palagi niyang ipinapaalala na magpahinga muna ako at unahin ang aking paggaling.

Pero hindi ko maiwasang makonsensiya dahil siya na halos ang gumagawa ng lahat. Gusto ko nang maging malakas at makabalik sa dati kong tungkulin bilang ina at asawa.

Dr. Love, tama bang hayaan ko muna ang asawa ko ang mag-asikaso sa aming pamilya habang nagpapaga-ling ako?

Linds

Dear  Linds,

Huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil lamang hindi mo nagagawa ngayon ang mga dating responsibilidad mo. Ang pagkakaroon ng sakit ay hindi na-
ngangahulugang nagkukulang ka bilang isang ina. May pagkakataong kailangan mo ring tanggapin na ikaw naman ang dapat alagaan.

Mapalad ka dahil mayroon kang asawa na hindi ka iniiwan sa panahon ng iyong pa-ngangailangan. Huwag mong isipin na pabigat ka sa kanya. Bahagi ng tunay na pagsasama ang pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pagsubok.

Hindi naman nasusukat ang pagiging mabuting ina sa rami ng gawaing nagagawa, kundi sa pagmamahal na patuloy mong ipinadarama.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with