^

Dr. Love

Magkaibigan, nagkatampuhan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Problema ko po ngayon ang aking kaibigan. Nagkatampuhan kami dahil sa isang maling pagkakaintindihan. Ang nangyari po, hindi namin agad naipaliwanag sa bawat isa ang kani-kaniya naming panig kaya, marahil sa nagsala-salabat ang hinala at nadala na ang aming kalooban. Tila nakalimot kaming pahalagaan ang isa’t isa. Kaya lumala po ang tampuhan. Sa totoo lang po, nalulungkot ako dahil wala nang biruan at kulitan, maging ang mga bagay na magkasama kami, sa pamamasyal.

Ayoko na po tumagal pa ang tampuhan namin, dahil importante sa akin ang pagkakaibigan namin. Ayaw ko itong masira nang ganon na lang.

Kaya lang, Dr. Love hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para magkaayos kami ng kaibigan ko. Paano ba ko magsisimulang makipag-usap sa kanya. Feeling ko, kulang ang lakas ng loob ko, dahil baka hindi niya ako pakinggan. Ang worst, baka makatikim pa ko ng pagtataray niya. Isa pa, nauunahan ako ng hiya.

Pagpayuhan po ninyo ako tungkol dito. Gusto ko nang maayos ang problema naming magkaibigan. Palapit na rin nang palapit ang Pasko, mas masaya kung walang tampuhan.

Jisel

 

Dear Jisel,

Gets na gets ko ang worry mo. Pero hindi mo malalaman ang estado ng tampuhan ninyo kung walang maglalakas-loob na i-workout ang pagkakaibigan ninyo. Hindi naman mahalaga kung sino ang dapat mag-first move, dahil gaya ng hangad mo na magkaayos kayo, hindi magiging kabawasan kung ikaw na ang mag-initiate para magkausap ko.

Ang payo ko, simulan mong kamustahin siya through text o sa messenger.

Kung hindi siya mag-reply o mag-seen, push mo lang. Sa sunod na araw, magpadala ka uli ng message kung pwede kayo mag-usap ng personal. Ilatag mo ng malinaw ang hangad mo na magkaayos kayo. Naniniwala ako, kung tunay ang pagkakaibigan ninyo, lalambot ang puso niya at makakatanggap ka ng reply.

Ang galit ang pa-ngunahing nakakahadlang sa pagkakaayos, pero ang kainaman, humuhupa ito. Sa sandalling mangyari ‘yun, nabibigyan ng pagkakataon ang pagbubukas ng komunikasyon, na humahantong sa pagkakaunawaan. Applicable ‘yan hindi lang sa pagkakaibigan, kundi maging sa iba pang klase ng relasyon.

Mas magagarantiyahan ang muling pagsigla ng inyong pagkakaibigan kung isasama mo sa bawat dalangin mo ang iyong kaibigan. Kasama mo ako sa panalangin na magkabati na kayo.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with