^

Dr. Love

Pangarap ang tahimik na buhay pamilya

-

Dear Dr. Love,

Mula dito sa pambansang bilangguan, isa pong mainit na pagbati sa inyo at sa lahat ng kasamahan ninyo sa PSN.

Isa po akong inmate, Jerry Gumez po ang aking pa­ngalan at walong taon na ang aking nabuno sa pagsisilbi sa sentensiya ng korte.

Nakapatay po ako nang hindi sinasadya nang tangkang pigilan sa panggugulo ng dating nobyo ng aking nobya noong ako’y namamanhikan sa kanila.

Hindi ko po akalaing sa paghahamon ng lalaking iyon sa akin ay armado siya ng baril. At sa aming pag-aagawan ay pumutok ito. Una inakala kong ako ang tinamaan pero siya pala.

Sumuko ako at nahatulan kaya nakakulong. Habang narito ako sa loob ay nabatid ko na lang na nag-asawa na ang aking nobya.

Kahit gumuhong lahat ang pangarap ko sa buhay, sinisikap ko ngayong makapagbagong buhay. Nag-aaral ako dito sa hangad na mabuong muli ang naunsiyaming mga adhikain sa buhay. Simple lang naman ang mithiin ko sa buhay. Magkaroon ng isang masaya at matahimik na buhay pamilya.

Kung mamarapatin po ninyo, nais kong matulungan ninyo ako na magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Salamat po at dalangin kong magpatuloy pa ang kasig­lahan ng pitak na Dr. Love.

Gumagalang,

Jerry Gumez

Student Dorm 232

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Jerry,

Hindi talaga ukol sa iyo si Angie. Ayon sa liham mo, dating nobyo ni Angie ang nadisgrasya mo. Noon pa lang naghahamon ang lalaking iyon, sana’y mayroong tumawag ng opisyal ng barangay kundi man mga pulis para masa­wata ang panggugulo niya.

Mayroon ding pagkukulang si Angie at ang kanyang pamilya sa insidenteng ito para hindi ka nasabak sa gulo.

Anyway, nangyari na. Mayroon ka nang leksiyong natu­tuhan dito at ito ay panatilihing kalmado at huwag padadala sa simbuyo ng galit o pagkainis para maiwasan na maka­gawa ng hindi nararapat.

Sana’y makatagpo ka ng maraming mga kaibigan sa panulat at isang babaeng mamahalin ka ng tapat anuman ang nakaraan mo.

God will guide you, tumawag ka lang sa Kanya.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

ANGIE

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JERRY

DR. LOVE

JERRY GUMEZ

MAYROON

MUNTINLUPA CITY

PORT AREA

RAILROAD STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with