Mahirap ligawan
() - April 16, 2010 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, sana po ay sapitin kayo ng liham na ito na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lang akong Lito, 35 anyos. May nililigawan ako, si Norma. Past 30 na rin na gaya ko at wala pang boyfriend. Matagal na akong nanliligaw pero hindi ko pa masungkit ang kanyang matamis na oo. Basta ang sagot niya’y ayaw niyang makipag-boyfriend kahit kanino. Hindi po naman siya tomboy dahil babaeng-babae naman siya. Kung minsan, iniisip ko na daanin ko na lang siya sa dahas. Ano sa palagay mo, Dr. Love?

Lito

Dear Lito,

Naku, sabit ka kapag dinaan mo siya sa dahas. Kung wala kang tiyagang maghintay, man­ligaw ka na lang sa iba. Delikado kapag nakasuhan ka ng rape. Sa tinagal-tagal ng pan­liligaw mo, baka talagang walang gusto sa iyo ang babae. Matuto kang harapin ang katoto­hanan. Hindi lang naman siya ang babae sa mundo. Huma­nap ka nung may gusto rin sa iyo.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

ANO DEAR LITO DELIKADO DR. LOVE HUMA LITO MATAGAL MATUTO NAKU OVERSEAS FILIPINO WORKERS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with