^

Bansa

Pinakamalaking post-Christmas sale, aarangkada na sa Enero 8

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aarangkada na sa Ene­ro 8 ang 23rd Fiesta Fair Manila sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Avenue, San Juan City.

Tinuturing na pinakamalaking post-Christmas clearance sale sa metropolis, ang fair ay magdidiskarga ng pinakamalawak na sari-saring goods sa iisang bubong na tinitiyak na aakit sa mga bargain hun­ters na inaabangan ang kaganapang ito ngayong panahon.

Ayon sa Fair organizer Prime Asia Trade Planners and Convention Orga­nizers (PATEPCO) na pinamumunuan ni Henry G. Babiera may 1,400 stalls ang itatayo ng manufactu­rers, mall suppliers, impor­ters, wholesalers at retai­lers.  Tinagurian ni Babiera ang fair na incubator ng micro-industries at would-be entrepreneurs,na idiniin pang ito’y bilang suporta sa “Buy Pinoy Products” na kampanya ng pamahalaan na ilang dekada nang tumatakbo.

Unang inilunsad noong 1993, ang fair, na tatakbo hanggang Pebrero 1, ay naging institusyon na at di nabigong akitin ang daan-daang mamimili mula sa iba’t ibang bahagi ng Me­tro-Manila na hangad ng value for money at isang lugar na puede silang mamili nang kumbinyente at ligtas.  Simula nung inorganisa ito, pinayabong ng fair ang ka­rera ng mga nagsisimulang negosyante.

Ang store hours ng fair ay mula ika-10:00 N.U. hanggang ika-8:00 N.G. Lunes hanggang Biyernes at ika-10:00 N.U. hanggang ika-9:00 N.G. tuwing Sabado at Linggo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABIERA

BUY PINOY PRODUCTS

FAIR

FIESTA FAIR MANILA

GREENHILLS SHOPPING CENTER

HENRY G

ORTIGAS AVENUE

PRIME ASIA TRADE PLANNERS AND CONVENTION ORGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with