Passport ni Ramona kakanselahin ng DFA
MANILA, Philippines - Hinihintay na lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kautusan ng korte upang ganap nang makansela ang pasaporte ni Ramona Bautista (Revilla), kapatid at isa sa mga suspek sa pagpatay kay Ramgen Revilla sa Parañaque City kamakailan.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, hanggang kahapon ay wala pa ring natatanggap na kautusan mula sa Parañaque Regional Trial Court na nag-aatas na makansela ang Phl passport ni Ramona sa kabila ng paglalagay ng International Criminal Police Organization (Interpol) sa kanya sa listahan ng mga wanted persons.
Dahil dito, kabilang ang pangalan ni Ramona na kasalukuyang nasa Turkey sa Red Notice List ng Interpol at maaari itong maaresto sa pamamagitan ng extradition treaty. Dahil walang umiiral na extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Turkey, maaring hilingin na isuko o hulihin ng Turkey si Ramona.
- Latest
- Trending