^

True Confessions

Suklam  (33)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni Brent na ma­buting sundin ang payo ng kanyang tatay. Huwag na niyang panghimasukan pa ang nangyayaring pagtataksil nina Vivian at Oscar. Huwag na niyang pansinin. Siguro ay tama ang kanyang tatay na may nakakapansin na sa gina­gawa nina Vivian at Oscar pero hinahayaan na lamang. Ayaw makisawsaw ng mga ito sa gulo. Siya lamang siguro ang tanging namuroblema sa ginagawang “milagro” nina Vivian at Oscar sa stockroom.

Sabi pa ng tatay niya, hayaan na lamang ang mister ni Vivian ang makatuklas sa ginagawang pangangalunya ng asawa. Madamdaming sinabi ng kanyang tatay na ayaw daw nitong may masamang mangyari na ang ugat ay ang panga­ngalunya. Ayaw ng kanyang tatay na madawit siya sa gulo na ang pinagmulan ay ang ka­sumpa-sumpang kasalanan.

Pero talaga yatang inilalapit si Brent sa gulo dahil minsang ginagamit niya ang kanyang cell phone, aksidenteng napindot niya ang number ni Sir Julio. Mula nang bigyan siya ng calling card nito, sinave niya ang number nito.

Sumagot agad si Sir Julio makaraang mapindot ang number nito.

“Yes, sino ito?’’

“Sir Julio, si Brent po. Sorry po, napindot lang.’’

“Brent? ‘Yung office mate ni Misis?’’

“Opo Sir Julio. Sorry, naistorbo tuloy kita.’’

“Hindi. Wala naman akong ginagawa. Mabuti ngang magkuwentuhan tayo.’’

“Kumusta ka Sir?’’ ta­nong ni Brent.

“Okey lang. Kuwentuhan mo ako ng nangyayari sa opis n’yo.’’

Natigilan si Brent.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with