Suklam (67)
“Hindi nga makapaniwala si Julio sa ikinuwento ko, ‘Tay,’’ sabi ni Brent. “Matapos malaman, naramdaman ko na nakahinga nang maluwag si Julio,’’ sabi pa nito.
“Malaking bagay kasi na malaman na hindi siya nag-iisa, Brent. Yun ang dahilan kaya nakadama siya ng kaluwagan sa dibdib.’’
“Palagay ko nga ‘Tay.’’
“Mabuti nga at naisipan mong ikuwento ang nangyari sa akin—sa atin. Ano yun, balak mo talagang ipagtapat sa kanya.’’
“Hindi ‘Tay. Wala naman akong balak. Bigla ko na lang naisip na sabihin sa kanya. At yun, ikinuwento ko sa kanya—lahat-lahat.’’
“Hindi nga siguro niya akalain na mayroon pang ibang tao na naranasan din ang sinapit niya.’’
“Oo nga ‘Tay.’’
“E yung anak niya? Paano ang ginawa niyang pagsasabi?’’
“Unti-unti. Payo ko naman sa kanya na ganun ang gawin. Dahan-dahan ang pagpapaunawa sa anak.’’
“Tama ang payo mo, Brent.’’
“Tinanong ko nga siya kung sakali at humingi ng tawad ang asawa niya, tatanggapin ba niya.’’
“Anong sagot?’’
“Hindi raw.’’
“Tama lamang na ganun ang gawin niya. Tulad din nang ginawa ko sa taksil na asawa.’’
Napatango si Brent sa sinabi ng kanyang tatay. Nadarama niya ang katotohanan sa sinabi nito.
(Itutuloy)
- Latest