^

True Confessions

Suklam (65)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANG kapatid kong bunso ay tila maiiyak sa mga unang linggo makaraang umalis ang aming taksil na ina. Pero matiyaga siyang kinausap ni Tatay at sinabi ang nangyari. Hindi tinago ni Tatay ang ginawa ng aming nangalunyang ina. Hanggang sa unti-unti, naunawaan at nasanay na ang aking kapatid. Naging katulad ko na rin siya na matigas at naging bato ang damdamin sa nagkasalang ina,’’ sabi ni Brent sa maliwanag na boses. Nakati­ngin naman sa kanya si Julio. Nasa tabi ni Julio ang anak.

“Masasanay din ang anak mo—kayong dalawa, Julio. Hanggang sa tuluyan nang mawala sa inyong mag-ama ang alaala ng nagtaksil.’’

“Oo nga Brent, mawa­wala rin sa alaala namin ang ginawa nang masamang babae.’’

Napatango si Brent.

“Teka, dapat magselebreyt tayo, Brent—uminom tayo!’’

“Sige Julio.’’

“Teka at kukunin ko ang alak. Sandali lang,’’ tumayo si Julio. Sumunod sa kanya ang anak.

Nang bumalik, dala ang imported na alak at dala­wang baso. Ibinaba ang alak sa meseta. Nakabuntot pa rin ang anak.

“Teka Brent, dadalhin ko lang sa kuwarto itong anak ko.’’

“Sige Julio.’’

Makalipas ang ilang mi­nuto, nagbalik si Julio.

Nagsalin ito ng alak sa dalawang baso.

Nagsimula silang mag-inuman.

“Para sa mabuti nating pagkakaibigan, Brent.’’

Nagpingkian sila ng baso.

Sabay na tumungga.

Naramdaman nila ang sarap ng alak sa lalamunan.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with