^

True Confessions

May isang Pangit (62)

- Ronnie M. Halos -

KINABUKASAN, ipinasyal ni Alice si Tibur sa farm na pag-aari ni Ate Rosa at asawang Australyano. Akala ni Tibur, pangkaraniwang farm lamang iyon. Napakalawak pala na halos ay kasinglaki ng farm na pinanggalingan niya sa Saudi Arabia. Kung sa Saudi ay mga dates at iba pang mga halamang matibay sa init, dito ay mga halaman at gulay na pawang kaysariwa. Ang taniman ng strawberry ay halos hindi niya matanaw ang lawak. May mga nakatakip na plastic na ayon kay Alice ay para hindi masira ang bunga na noon ay ready na para i-harvest.

“Paano kung hindi mabili lahat ang strawberry, Alice?’’

“Ginagawang jam. Ipakikita ko sa’yo ang gawaan ng jam. Mga Pinoy din ang karamihang trabahador.”

“Talaga palang mayaman ang bayaw mong si George ano?’’

“Oo. Pero alam mo, lalo siyang sinuwerte noong mapangasawa si Ate Rosa. Lalong nag-boom ang negosyo nila. Mahusay kasing magpatakbo ng negosyo si Ate Rosa. Maliksing kumilos. Noong wala pa silang trabahador, si Ate talaga ang gumagawa rito. Dati raw itong lugar na ito ay nakatiwangwang lang. Pero nang maging asawa ni George ang Ate Rosa ko, naging malawak na taniman na ito.”

‘‘Mukha namang mata- lino at marunong sa buhay si Ate Rosa. Unang tingin ko pa lang ay talagang uunlad ang buhay.’’

“Botong-boto sa iyo ang Ate ko, Tibur. Mukhang magkakasundo talaga kayo.”

“Gagawin ko ang lahat para hindi siya mabigo sa akin. Hindi ko sasayangin ang pagtitiwala.’’

“Ang ate ko ang bahala sa kasal natin. Sinabi na niya sa akin bago pa ang pagda-ting mo. Huwag daw tayong mamroblema. Lahat siya    ang bahala.’’

“Alam mo Alice, hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa buhay ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang katulad ko ay maaari palang mabago ang buhay. Lahat pala ay maaaring mangyari.”

“Kasi nga noon ay lagi ka pang naaawa sa iyong sarili. Pawang negatibo ang nasa isip. Kita mo at nang alisin mo, ang ganda pala ng resulta.

“Tama ka talaga Alice.

MAKALIPAS pa ang isang buwan, ikinasal sina Tibur at Alice. Hindi malilimutan ni Tibur ang araw na iyon nagpalitan sila ng sumpa ni Alice sa harap ng pari. May bigkis na ang kanilang pagmamahalan.

Kinagabihan, sa kanilang honeymoon, tila nagkakahiyaan pa ang dalawa. Parehong “first time”. (Itutuloy)

vuukle comment

ATE

ATE ROSA

LAHAT

MGA PINOY

PERO

SAUDI ARABIA

TIBUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with