^

True Confessions

La Viuda (54)­­ ­

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA ilalim nang malaking puno ng mangga sa labas ng hacienda, nanginginig ang mga kamay ni Kristina habang akay si Aling Pacing. Mula sa kanilang kinalalagyan, kitang-kita nila ang biglang pag-iilaw ng mga bintana sa buong mansiyon. Tila may kaguluhan na namang nangyayari sa loob.

“Kristina... naroon sa loob ang anak ko,” nanginginig na sabi ni Aling Pacing. “Bakit siya bumalik? Ipaliwanag mo nga kung ano ba talaga ang nangyari kay Andres at napunta siya rito?”

“Mahabang kuwento, Aling Pacing. Pero ang pinagsimulan nito ay ang pagkakahawig ni Andres sa yumaong si Emilio.”

Napailing at napaiwas ang mukha ni Aling Pacing. Tila bigla itong nakaramdam ng hiya. “Kasalanan ko lahat ng ito…” mangiyak-ngiyak na bulong ng matanda. Hanggang sa tuluyang umiyak ito. “Dahil sa akin, napahamak ang anak ko. Hindi ko na nga siya nabigyan nang maayos na buhay, nadamay pa siya rito.”

Gusto sanang ung­katin ni Kristina kung ano ang ibig sabihin ng matanda ngunit mas pinili niyang patahanin ito at bigyan ng pag-asa.

“Aling Pacing, magtiwala ka lang sa Diyos. Nasa mansyon si Ernesto, sigurado akong hindi niya papabayaan si Andres.”

Tumigil si Aling Pacing sa pag-iyak. “Si Ernesto, kahit sakit ng ulo ang turing sa kanya ng donya, napakagiliw niyang bata at magalang sa aming mga kasambahay. Kung tutuusin, mas mabait siya sa kanyang Kuya Emilio na ang turing sa amin ay mga utusan lang,” sabi nito.

Samantala, sa loob ng mansiyon, nanginginig sa galit si Doña Presentacion habang nakatitig kay Mang Teban. “Nasaan na si Andres?! Akala ko ba’y kusang babalik ‘yun dito?!” sigaw ng donya.

Nakatitig si Mang Teban sa kanyang palad na may mantsa ng abo. Umi­ling ang albularyo, bakas ang matin­ding kaba sa kanyang mukha. “Sen­yora... nadarama ko na si Andres dito sa hacienda­, ngunit may humarang sa aking oras­yon. May panlaban na nakalapat sa kanyang katawan! Napa­kalakas nang panlaban na ito at hindi ko makaya!” (Itutuloy)

ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with