^

True Confessions

La Vida (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKALUHOD si Ernesto sa lupa habang naka­titig sa likod ni Andres na dahan-dahang humahakbang patungo sa madilim na pinto ng bodega. Nanghihina ang kanyang mga kamay, nanginginig ang dibdib sa matinding sakit ng katawan at kawalan ng pag-asa.

Ngunit sa gitna ng kanyang panlulumo, nakapa ng kanyang mga daliri ang isang bagay sa loob ng kanyang bulsa. Isang sinaunang rosaryo ang pamanang ibinigay sa kanya bago mamatay ang kanyang ama. Parang may biglang kumislap sa isip ni Ernesto. Mabilis siyang bumangon mula sa lupa. Sa kabila ng sakit sa kanyang mga balikat, patakbo niyang hinabol si Andres mula sa likuran.

“Sa ngalan ng Diyos... hindi ko hahayaang makuha ka nila!” sigaw ni Ernesto.

Bago pa man makatapak si Andres sa loob ng bodega, mabilis itong nilapitan ni Ernesto at isinuot ang rosaryo sa ulo nito hanggang sa tuluyan itong lumapat sa leeg.

SZZZZT! Isang mahinang tunog ng parang napapasong balat ang umalingawngaw. Biglang napatigil si Andres sa kanyang paghakbang. Ang kanyang malamig at walang buhay na mga mata ay nan­dilat habang ang buong katawan ay nanginginig.

Naglaho ang lakas ni Andres at tuluyang bumagsak ang katawan sa mga braso ni Ernesto.

“Hindi ako papayag na bumalik ka sa selda mo...” sabi ni Ernesto habang inaalayan ang nanghihinang si Andres.

Pinagmasdan ni Ernesto ang paligid ng bakuran. Ligtas pa, walang nakakakita sa kanila. Ma­bilis na inakay ni Ernesto si Andres, pilit na iniiwasan ang liwanag­ ng mga ilaw habang pumapasok sila sa pinto sa likod ng mansiyon. Bawat hakbang pa­­itaas sa mabuway na hagdanan patungo sa ikalawang palapag ay matinding pagsubok sa kanyang lakas, ngunit hindi siya huminto hanggang makapasok sa kuwarto.

Iniupo niya si Andres sa isang matibay na upuang kahoy sa sulok ng silid. Kumuha siya nang makapal na lubid mula sa cabinet at iginapos ang mga kamay at paa nito sa upuan.

Habang nakatali si Andres, nananatiling bagsak ang ulo at mahina dahil sa rosaryo sa kanyang leeg. napaupo si Ernesto sa sahig at iniisip kung paano niya maililigtas ang kawangis ng kanyang kapatid mula sa madilim na mahika ng manggagaway na si Mang Teban. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with