^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib(108)

- Ronnie M. Halos -

“KUNG buhay si Lola Angela, matutuwa siguro siya,” sabi ni Fred.

“Bakit naman Mang Fred este Fred pala.”

“Ganyan nga. Sa­nayin mo nang wa-lang “mang”. Kasi’y wala na tayo sa liblib.”

“Bakit mo nga nasabi na matutuwa si Lola.”

“Nasa mabuti ka nang mga kamay nga­yon. At alam mo, ma­laki ang paniwala ko na ang matandang babae na tumulong sa’yo ay si Lola Angela.”

“Naninindig ang balahibo ko, Mang Fred este Fred pala. Alam mo, yun din ang paniwala ko. Yung matandang tumulong sa akin ay si Lola.”

“Wala ka namang nahalata habang naroon ka?”

“Wala naman. Isa pa’y mahinang-mahina ako noon at walang ibang naiisip kundi ang makapagpahinga. Masakit na masakit ang katawan ko.”

“Lalo na nang sabihin mo na marunong din palang gumawa ng puto ang matanda. Malakas talaga ang paniwala ko na si Lola Angela yun.”

“Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, gusto kong balikan ang matanda. Puwede mo ba akong samahan, Mang…”

“Ooopps, hindi kita sasamahan. Ulitin mo.”

“Fred sasamahan mo ba ako kung sakali.”

“Ganyan. Sige sasamahan kita pero huwag muna ngayon. Siguro pagkalipas ng isang linggo. Kaila-ngang nasa mabuting kalagayan ka.”

“Salamat, Fred. Si­guro nga matutuwa si Lola. Alam niya nasa mabuti akong kamay.”

Pumasok si Mulong. Bitbit ang kalderong malaki.

“May ipagagawa ka ba Ate?”

“Wala naman, Mulong. Magpahinga ka na.”

“Ihahanda ko ang mga dahon, Ate?”

“Sige.”

Nagluto ng puto si Ganda.

Ang naunang luto ay pinagsaluhan ni­lang tatlo. Sarap na sarap si Fred at Mulong. The best puto in the world daw.

Kinabukasan, ang puto ni Ganda ay nakatinda na.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BAKIT

FRED

LOLA

LOLA ANGELA

MANG FRED

MULONG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with