^

True Confessions

Laro sa putikan 66

- Ronnie M. Halos -
SA pagkakataong iyon na ang maysakit ay kinakailangang lapatan ng lunas, hindi ko binigyan ng malisya na maaaring makita ko ang pribadong bahagi ni Kuya Jeff. Hindi maaaring punasan ang katawan ng isang taong nilalagnat na hindi makikita iyon. At ano naman? Gaano na karaming pribadong bahagi ng lalaki ang aking nakita dahil sa pagiging nurse ko. Nang nasa Al-Khobar pa ako ay madalas na akong makakita ng "ga-saging" o "ga-kabayo" na pribadong bahagi ng Arabong pasyente. At walang epekto. Ganoon lang naman pala iyon. Natuklasan ko kapag pala tumutupad ng tungkulin ang isang nurse, nawawala na ang malisya sa mga bagay na iyon. Karaniwan na lang. Para ring mga painter o eskultor na walang malisya kapag nasa harapan nila ang model na lalaki o babae.

Una kong hinubad ang suot na t-shirt ni Kuya Jeff. Nahirapan ako sapagkat nakabaluktot siya sa paghiga. Mahimbing sa pagkakatulog si Kuya Jeff. Matindi ang tumamang lagnat. Nagdedeliryo na yata dahil sa nadaramang init.

Piniga ko ang bimpo. Una kong pinunasan ang kilikili. Magkabila. Kailangang sumingaw ang init doon. Ilang ulit kong piniga ang bimpo. Punas uli. Kasunod na pinunasan ko ay ang braso. Pagkatapos ay ang dibdib. Mabalahibo ang dibdib ni Kuya Jeff. Piniga ko uli ang bimpo. Punas sa dibdib. Mauumbok ang dibdib ni Kuya Jeff.

Pagkatapos mapunasan ay kumuha ako ng maluwang na t-shirt sa kabinet. Isinuot sa kanya.

Itinapon ko ang tubig sa tray at kumuha nang panibago. Ang ibabang bahagi naman ng katawan ang aking pupunasan para ganap na bumaba ang temperatura.

Inalis ko ang sinturon ng kanyang pantalon. Unti-unti kong hinubad ang pantalon. Nahirapan akong alisin dahil mahirap ang posisyon. Hanggang sa naka-brief na lang si Kuya Jeff.

(Itutuloy)

vuukle comment

AL-KHOBAR

ARABONG

GAANO

GANOON

HANGGANG

ILANG

KUYA JEFF

NAHIRAPAN

PAGKATAPOS

PINIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with